Mahigit isang buwan na kami hindi nagkikita ni Kevin matapos yung cool off namin. Tinatayo na rin yung ospital na project nila ate Megan at Paulo. Paminsan minsan, dumadalaw ako doon pero hindi ko nakikita si Kevin habang dumadalaw ako doon. Malapit na ring matapos yung boutique ni Thea. Nakapagtapos rin ng Masterals Degree si Ian at nakapagcelebrate kami sa beach. Masayang masaya non si Nadine. Nandon kaming lahat maliban kay Kevin at Stella. Syempre, alam na nila tungkol sa amin ni Kevin kaya hindi siya ininvite ni Nadine. Si Stella naman ay may ginagawang movie. Naging close kami lalo ni Xavier at Jefferson. Palagi namin dinadalaw si Jefferson sa restaurant at paminsan minsan ay tinutulungan namin siya. Naging mabuti naman yung lahat kahit cool off kami ni Kevin. Hindi ko nga alam kung saan hahantong yung relasyon namin.
Kumakain kami ngayon sa restaurant ni mama. Nagkatuwaan kami habang pinaguusapan yung mga nangyari habang nasa beach kami noong nakaraang araw. Sinama namin si Jefferson non kahit hindi siya kasali sa barkada namin pero pagkatapos non ay parang naging kabarkada na namin siya
“Yung lasing na lasing ka na tapos kahit ano ano na yung mga pinagsasabi mo! Nakakatuwa ka talaga non! Kung alam mo lang sana kung ano yung mga pinagsasabi mo” sabi ni Xavier kay Jefferson
“Talaga? Ganon ba ako kapag lasing? First time ko kasi yun” sabi ni Jefferson
Never in his whole life na uminom si Jefferson. First time niyang uminon non kaya napasobra ng paginum kaya nalasing. Biglang nagring yung phone niya at sinagot yung tawag niya. Pagkatapos niyang makausap kung sino yung tumawag sa kanya ay tumayo siya “Pupunta na ako ng mall. Naghihintay na kasi yung girlfriend ko”
“Hoy! Ang daya mo!” sigaw ko sa kanya
“Maghanap na rin kayo ng kasintahan para fair na tayo. Pwede rin kayong dalawa nalang kapag wala na kayong makitang iba” nagsmirk siya at umalis. Si Jefferson pa rin at Cloe. Paminsan minsan ko lang nakikita si Cloe dahil busy talaga siya. Pagkatapos niyang maassign sa Batangas, dito na ulit siya naassign pero parang twice a week lang sila nagkikita ni Jefferson. Ano ba yung nasa utak ni Jefferson kung bakit nasabi niya yon sa amin?
“Sira ulo talaga yon” sabi ni Xavier
Tumingin ako sa kanya “Ganon talaga siya simula pa noon”
Hinatid ako ni Xavier pauwi. Umalis na si Xavier. Biglang tumawag si Elena sa akin. Sabi niya na magkikita kami ngayon sa Hangover. Sabi niya importante daw. Nung sinabi niya na importante daw yun ay biglang lumakas yung tibok ng dibdib ko. Parang kinakabahan ako. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at nagdrive patungo sa Hangover. Nasa harap ng Hangover naghihintay si Elena sa akin. Linapitan ko siya
“May ipapakita ako sayo” sabi niya
Pumasok kaming dalawa sa Hangover. Maraming tao ngayon dahil Sabado. Ang lakas ng music nila at maraming tao nagiininuman. Nakarating kami sa tabi ng counter at may hinahanap si Elena. Hindi ko alam kung sino yung hinahanap niya
“Ayon!” may tinuro siya sa kabilang counter. Tumingin ako kung saan siya tumuturo. May nakita akong lalake na may hinahalikan na babae. Nagulat ako sa nakita ko. Si Kevin at Alexa yun! Hindi ako lumapit sa kanila dahil ayaw kong magkakagulo dito. Lumabas ako sa Hangover at sinundan ako ni Elena. Napaiyak ako sa nalaman ko
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...