Chapter 49

810 41 0
                                    

“Umm…anong ibig sabihin mo?” nacucurios na ako sa dito

Tumawa si Kevin “Ano ka ba Alexa”

“Ito kasi si Kevin, pinakita niya yung picture mo two years ago. Two years na kayo di ba?” tanong niya

“Pinakita mo sa kanya yung picture ko? Kakahiya naman” tumingin ako kay Kevin

“You shouldn’t be embarrassed. You are so beautiful”

“Thank you” wala akong ibang masabi sa kanya. Nahiya tuloy ako sa sinabi niya

“I heard na ikaw yung gagawa ng ospital na ipapatayo ni ate Megan and Paulo” sabi ni Alexa

“Oo”

“Ay oo nga pala, natanong si ate kung nagawa mo na ba” sabi ni Kevin

Tumingin ako kay Kevin “Gagawin ko pa kasi katatapos ko lang sa pinagagawa ni Thea”

Pagkatapos namin magusap sa café ay hinatid ako ni Kevin papunta sa sasakyan ko. Nagusap muna kami bago ako pumasok sa sasakyan

“Gusto pala ni ate na magdidinner tayo bukas”

“Sige”

“Janica, may problema ka ba?”

Tumingin ako sa kanya “Ha? Wala. Pagod lang ako”

“Sure ka ba dyan?”

“Oo” sabay ngiti ko sa kanya. Dapat ko ipakita sa kanya na okay ako kahit hindi talaga. Hinalikan niya ako sa noo “Magingat ka sa paguwi”

Tumango ako sa kanya “Ikaw din” pumasok ako sa sasakyan at sinimulan magdrive. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako ngayon. Naabutan ako ng traffic kaya napagisipan kong makinig nalang sa radyo. May isang lalake na naghihingi ng advice sa DJ. Yung pangalan niya ay Tian

“Bago ako umalis sa Pilipinas ay nagmamahalan pa kaming dalawa. Ngayon sa pagbalik ko, may iba na siyang mahal at ang pinakasakit pa, hindi na niya ako kilala” sabi ni Tian

“Paano mo nasabi na hindi ka na niya kilala? Nagka amnesia ba siya?” tanong ng DJ

“Oo. Hindi na niya maalala lahat. Gusto ko ipaalala sa kanya kung anong meron sa amin noon pero paano?”

“Alam mo, mahirap yan kasi hindi niya maalala lahat. Ganito nalang, gawin mo yung mga ginagawa ninyo noon baka may chance pa na maalala niya ang lahat” sabi ng DJ

“Maraming salamat po”

Si Xavier yun! Alam ko si Xavier yung nagtanong sa DJ! Gagawin niya talaga lahat para lang maalala yung nakaraan ko? Sana nga kasi nacucurious na ako kung ano talaga ang meron sa amin noon

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon