Chapter 17

1.1K 36 0
                                    

Bago maghapunan ay nagpaalam na sina Xavier at Paulo sa amin. Kailangan na nilang bumalik sa bahay nila kasi Sunday na bukas. Bago lumabas sa kwarto ko si Xavier ay nilagay niya yung mga gamot ko at tubig sa tabi ng lampshade. Sinigurado niya lahat bago umalis siya

“Dito ko na ito ilalagay lahat para kung sasakit kung ulo, madali mong mainom yung gamot mo” tumingin siya sa akin

“Opo”

“At huwag mong kalimutan uminom ng gamot pagkatapos mong kumain” bumababa siya para kunin ang pagkain ko para sa hapunan. Nilagay niya ito sa study table ko “Kailangan mong kumain nang madami. Huwag kang maarte”

Ang sweet naman niya. Masyadong maalalahanin. Ginagawa niya ito kasi may kasalanan siya sa akin. Alam ko naman yun kaya hindi ako mahuhulog sa mga sweet actions niya. Tumayo siya sa tabi ko “Magpagaling ka. Intrams na natin ngayong Tuesday kailangan ka sa painting club”

Oo nga pala! Intrams na namin ngayong Tuesday! Malapit ko yun makalimutan. Salamat pala sa kanya

“Nagabsent ako sa practice namin kanina para alagaan ka kaya magpagaling ka…tanga”

“Tanga pa rin ang tawag mo sa akin kahit may sakit na ako”

“Okay lang yan. Tanga ka pa rin kahit kailan”

Sumimangot ako at kinuha niya yung bag niya na nasa kama ko “Sige punta na ako. Mag ingat ka”

“Sige, mayabang!”

Ngumiti siya bago umalis ng kwarto ko. Sweet nga siya pero tanga pa rin yung tawag niya sa akin. Nakakainis! Tumayo ako at kumain ng hapunan ko. Ininom ko yung gamot ko at humiga. Biglang may nagtext sa akin kaya tinignan ko yun phone ko. Unknown number to ah! Kanino to galing

Magpagaling ka! J

- Mayabang

Napangiti ako sa text niya. Wait! Bakit ako nakangiti? Kailangan ba akong ngumiti? Saan ba siya nakakuha ng number ko? Baka pinakaalaman niya yung phone ko habang nandito siya sa kwarto ko buong araw.

Opo, Mayabang!

- Tanga

Pagkatapos kong magreply sa kanya ay natulog na ako. Kinabukasan habang papunta ako sa classroom ay nakatingin lahat ng tao sa akin. Nagtataka ako kung bakit sila tumitingin sa akin. May nagawa ba akong masama? Ano ba ang nangyari? Pagdating ko sa classroom ay sinalubong ako ni Nadine. Hinila niya ako sa labas ng classroom

“Magaling ka na ba?”

“Oo naman”

“Totoo bang inalagaan ka ni Xavier?”

Bakit alam ba ito ni Nadine? Hindi naman ko siya sinabihan nito ah “Oo”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon