Chapter 54

904 39 0
                                    

XAVIER’S POV

Tinulungan ko na si Janica sa mga dala niyang gamit at andon yung mga magulang niya na nakatingin sa amin

“Sana magenjoy kayong dalawa” sabi ng mama niya

“Nakaka inggit! Gusto ko sanang sumama pero may pasok ako” sabi ni Duke

“Ito na yung gift ko para sayo. Sana magustuhan mo” sabi ng papa niya

Pumasok kaming dalawa sa sasakyan niya at ako na yung nagdrive. Habang nagbibiyahe kami ay bigla siyang napatulog. Ang ganda niya talaga kahit tulog. Hindi ko nga alam kung bakit napasama ako sa bakasyon na ito. This is intended for Janica only dahil gift ito ng papa niya. Siguro kung nandito si Kevin, siya yung kasama niya ngayon. Mabuti nalang at wala siya. Hindi ako nahirapan hanapin yung lugar na pupuntahan namin dahil may binigay na mga direksyon yung papa ni Janica. Huminto ako sa isang seafood restaurant dahil nagugutom na ako. Ginising ko si Janica para makakain na kami. Kumain muna kami bago nagbiyahe ulit. Nakikinig si Janica ng radio habang ako, nagdridrive. Ibang iba yung Janica na kilala ko noon kasi yung Janica noon, makulit at ang napaka ingay! Yung Janica ngayon, masyadong tahimik at hindi na makulit. Tinitignan niya yung mga tanawin. Napaisip ako kung paano ko kaya maibabalik yung dating Janica? Alam kong mahirap dahil marami na ang nagbago. Noon, ako yung mahal niya, ngayon, hindi na.

Nakarating na kami sa bahay ng auntie niya at sinalubong niya kami ng mga ngiti. Pumasok kami sa bahay nila. Probinsyang probinsya talaga dito kasi hindi gaanong kadami yung mga tao tapos may well kung saan sila kukuha ng tubig nila. May babuyan din sila sa likod ng bahay nila. Andito rin yung mga pinsan ni Janica. Pinakilala niya ako sa kanyang mga pinsan at auntie niya. May isang lalake siyang pinsan at isang babaye. Byuda yung auntie niya dahil maagang namatay yung uncle niya. Si Dino, yung nakakatanda niyang pinsan. Matanda siya sa amin ng isang taon habang si Lora ay kasing edad lang namin. Nagtratrabaho si Dino sa isang fastfood sa bayan habang si Lora naman ay isang teacher sa malapit nilang paaralan. Inalagay ko ang mga gamit ko sa kwarto ni Dino. May dalawang foam sa sahig

“Sorry talaga pre. Dito lang kasi ako natutulog” sabi ni Dino

“Hinde. Okay lang” sabi ko habang inalagay ko yung mga gamit sa kilid

“Parang hindi ka nga sanay matulog sa sahig dahil nakikita ko sayo na mayaman ka”

Napangiti ako sa kanya “Okay lang sa akin na matulog sa sahig. Hindi ako maarte”

Hinawakan niya ang balikat ko “Ang swerte ng pinsan ko sayo. Ang bait mo!”

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Ipinakilala ako kanina ni Janica sa kanila na kaibigan lang niya ako tapos itong si Dino, akala niya talaga na boyfriend ako ni Janica. Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Lora

“Andon pala si Janica sa labas kasama yung nanay ko”


Kasing ganda si Lora kay Janica pero mas maganda pa rin si Janica kesa sa kanya “Ah…sige, dito lang muna ako”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon