Bumalik na kami sa klase. Pagkatapos ng Chemistry subject namin ay lunch na. Lumabas kami ng sabay ni Nadine na biglang tinawag ako ni Xavier
“Sabay na tayo maglunch” sabi niya
Nabigla ako sa sinabi niya pati na rin sina Nadine, Ian at Edward
“Wait, totoo ba ang naririnig ko?” sbai ni Ian
“OMG!” sabi ni Nadine
“Ano?” naghihintay sa tanong ko si Xavier. Ano ba ang sasabihin ko? Oo o hindi? Hindi ko alam eh! Hay nako! Ano ba to!?
“Umm…” bago ako makasagot ay hinila ako kaagad ni Xavier. Hinawakan niya ang kamay ko papunta sa canteen. Sumunod sina Nadine, Ian at Edward sa amin. Habang naglalakad kami patungo sa canteen ay nakatingin sa amin ang lahat ng mga estudyante. Yumuko ako dahil nahihiya ako sa kanila. Pagdating namin sa canteen ay umupo kaming dalawa at tumabi sina Nadine, Ian at Edward. Bumili kami ni Nadine ng pagkain habang sina Xavier, Ian at Edward ay nakaupo, naghihintay sa amin
“Bff, hindi ko na talaga ito maiintindihan”
“Ako rin eh”
“Bakit ba ganun na siya sayo? May nangyari ba?”
Oo nga pala. Hindi pa alam ni Nadine ang mga nangyari nung nagpunta kami sa resort at nung New Year. Sasabihan ko nalang siya mamaya para may alam na rin siya. Bumalik na kami kaagad sa klase pagkatapos namin kumain ng lunch. Habang naghihintay kami sa susunod na klase namin ay dumalaw sa classroom namin si Kevin. Nasa labas siya sa classroom nakatayo. Lumapit ako sa kanya
“Janica, ito pala” inabot niya sa akin ang isang red box
Kinuha koi to “Ano to?”
“Christmas gift ko sayo” sabay ngiti niya
“Ah…salamat”
“Sige. Punta na ako”
“Sige” umupo ako ulit sa upuan ko habang tinitignan yung gift ni Kevin
“Kay Kevin ba yan galing?”
Tumingin ako sa kanya “Oo”
Kinuha niya ito at binuksan
“Xavier! Huwag mong buksan…” pero nabuksan na niya. Huli na ang lahat. May katigasan din ng ulo to! Ang nasa loob ng red box ay isang necklace na may pangalan ko. Kinuha ko ito “Ang ganda…”
Binigay ulit ni Xavier sa akin ang red box “Ang baduy naman”
“Ano?”
“Wala!” sumimangot siya ay nakipagusap nalang nina Ian at Edward. Ano ba ang problema niya? Hindi naman baduy yung necklace ah! Ang ganda nga. Susuotin ko ito simula ngayon.
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...