Chapter 28

972 32 0
                                    

Naglakad lakad ako sa buong bahay nila Paulo. Nakita ko yung malaking family picture nila sa living room. Nakaupo sina Tita Mary and Tito Will habang sina Paulo at Xavier ay nakatayo sa likuran. May mga pictures sa table. Mga baby pictures nila Paulo at Xavier. Ang cute pala nilang dalawa nung mga bata pa sila! Ako lang magisa dito sa living room nila dahil lahat ng mga tao ay nasa backyard nila. Tinitignan ko yung mga chandeliers nila sa itaas habang may nakita akong lalaki na nakasuot ng suit na nakatayo sa itaas. Andito pala si Xavier! Bakit wala siya sa backyard?

“Bakit nandyan ka? Bakit wala ka don sa birthday ng kuya mo?”

Bumaba siya at linapitan ako “Ayaw ko don”

“Bakit? Dapat andon ka”

“Ayoko. Mas gusto kong magisa” umupo siya sa sofa at umupo ako sa tabi niya

“May problema ba?” tanong ko sa kanya

“Mukhang meron ba?”

“Napapansin kita na pala kang nagmumokmok”

“Masaya siya ngayon kasi birthday niya habang ako nalulungkot dahil ito na yung last birthday niya na makasama namin siya”

“Bakit? Mamamatay na ba si Paulo? May sakit siya? Ano? Cancer?”

“Nagpapatawa ka ba? Syempre wala! Aalis na siya. Doon na siya sa Australia magaaral ng kolehiyo kasama si ate Megan”

“Sino si ate Megan? Girlfriend niya?”

“Hindi. Ate yan ni Kevin”

“Oo nga pala…last birthday na pala na niya na magkasama kayo pero babalik naman siya di ba?”

“After five or six years…”

“Magkakasama pa rin kayo. Pwede naman siya magbakasyon kahit konting araw lang tapos may skype naman, viber”

“Iba pa rin kapag kasama mo yung kapatid mo. Hindi ko nga alam kung paano nakaya ni Kevin ang mahiwalay sa kapatid niya”

“Nakaya nga ni Kevin, ikaw pa kaya? Kaya mo yan. Alam ko naman na malakas kang tao”

Tumingin siya sa akin “May gagawin ako sa iyo pero sana huwag kang magalit”

“Ano?”

Bigla niya akong yinakap ng mahigpit. Nagulat ako sa pagyakap niya. Hindi ito yung first time na yinakap niya ako pero naninibago pa rin ako. Bumulong siya sa akin “Pinapagaan mo talaga yung nararamdaman ko”

Napalunok ako sa sinabi niya. Pinapagaan ko ba talaga yung nararamdaman niya? Ang sarap kasi pakinggan kapag may sumabi sayo ng ganyan. So hindi siya brokenhearted, nalulungkot siya dahil aalis na si Paulo sa susunod na buwan. Kung ako ang nasa posisyon niya, magmumokmok rin ako. Mahirap talaga ang mapalayo sa kapatid mo. Lalong lalo na kung siya lang yung kaiisang isa mong kapatid.

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon