Chapter 21

1K 36 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay lumabas agad ako sa classroom. Pumunta kaagad si Nadine sa choir room dahil may practice sila ngayon. Pumunta ako sa classroom ni Duke at kinausap siya

“Sabihin mo kina mama at papa na may meeting kami ngayon sa painting club” sorry Duke pero kailangan kong magsinungaling. Ayaw ko muna isabi kina mama at papa na babalik na ako sa pagsasayaw

“Hindi ka na sasabay sa akin?” tanong ni Duke

“Hindi. Sabihin mo sina mama at papa ha?”

“Sige”

Pagkatapos ko kausapin si Duke ay pumunta na ako kaagad sa fourth floor. Pumasok ako sa practice room at nakita ko si Kevin na nakabihis na. Ngumiti siya pagkakita niya sa akin

“Janica! Halika!” at lahat ng kasamahan niya sa dance troupe ay tumingin sa akin. Nakakahiya naman ito! Hindi ba ito bias? Silang lahat ay nagaudition para lang makapasok sa dance troupe tapos ako kay sinabihan lang na pasok na ako kaagad? Ano ba ito! Hindi ba sila magagalit sa akin? Huwag nga sana. Inalagay ko ang bag ko sa sulok at lumapit kay Kevin. Ipanakilala niya ako sa best friend niya. Si Harry, siya ay isang gwapo ring nilalang katulad ni Kevin. Classmates sila ni Kevin kaya ngayon ko lang siya nakilala. Familiar yung mukha niya. Palagi silang sumasayaw ni Kevin everytime may program sa school namin. Marami ring babae nagkakagusto sa kanila. Nagshake hands kami ni Harry. Ipinakilala niya rin ako sa iba pang kasamahan. Fifteen members all in all ang dance troupe. Eight guys and seven girls. Ngayon na nandito na ako, eight na yung girls so fair na lahat. Biglang pumasok si Cindy na nakabihis na. Nabigla siya nung nakita niya ako “Janica!” lumapit siya sa akin

“Kasali na siya sa dance troupe” sabi ni Kevin

“Talaga! Ang galing mo pala sumayaw!”

“Nakita mo na ba akong sumayaw?” nagulata ko sa sinabi niya

“Oo! Pinakita ni Kevin sa amin yung sayaw mo kahapon”

Tumingin ako kay Kevin at ningitian niya lang ako. Ano naman ba ito! Nakakahiya naman! Kinagat ko ang labi ko at ngumiti nalang. Sinimulan na namin ang aming practice at hindi rin ako nahirapan sa pakikisama sa kanila dahil silang lahat ay mababait. Ang galing din nilang sumayaw lahat. Si Kevin pala ang President ng Dance Troupe. Ngayon ko lang to nalaman. Pagkatapos sa aming practice ay hinatid ako ni Kevin sa bahay

“Maraming salamat sa paghatid. Huwag mo na akong ihatid sa sususnod. Kaya ko naman”

“Kaya mo nga pero gabi na kasi baka ano pa ang mangyari sayo”

“Basta huwag mo na akong ihahatid sa susunod. Nakakahiya na sayo”

“Bakit ka naman mahihiya sa akin? Kaibigan naman tayo”

“Basta! Basta huwag mo na akong ihatid, okay?!”

“Sige na nga”

“Sige, papasok na ako”

“Sige”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon