Chapter 19

1.1K 34 0
                                    

Malapit na ang pasko! Kaya nagsimula nang maglagay ng Christmas tree sina mama at papa sa living room. Pumasok kami ni Duke sa school. Bago kami magdiscuss sa aming English ay napag isipan ni Ms. Garcia na magkaroon kami ng Secret Supporter. Para rin siyang manito at manita pero pinasosyal lang yung name. Nagbunutan kami. Nagulat ako sa nakuha ko. Akalain niyo! Nakuha ko ang pangalan ni Xavier! Hay nako! Bakit siya pa? Ang dami ko namang classmates ah! Hay nako! Pagkatapos bumunot ni Xavier ay nilagay niya ito sa wallet niya. Sino kaya ang nabunot niya? Sana hindi ako. Ang awkward naman nito. Ako ang secret supporter ni Xavier na seatmate niya! Sana hindi nga niya mahahalata na ako ang secret supporter niya

“Bro, dapat ka magpasalamat sa seatmate mong maganda dahil siya ang nagbuhat sayo nung lasing ka” sabi ni Edward

“Hindi nga namin akalain na malakas pala to si Janica” sabi ni Ian na nakangiti

Tumingin si Xavier sa akin “Totoo ba?”

“Oo. Ang lasing mo nung Sabado. Sa susunod, huwag kang maglalasing kung hindi mo naman kaya”

Bigla siyang ngumiti “Bakit mo ako kinarga? Sinusundan mo ako no?”

“Kapal din ng mukha mo no?! Ikaw yung lumapit sa akin tapos kahit ano ang pinagsasabi mo sa akin tapos bigla kang natulog!”

“Ano ang mga pinagsasabi ko?”

Dapat ko bang sabihin sa kanya? Teka, hindi pwede! Ayokong sabihin sa kanya yung mga pinagsasabi niya nung gabi na yun. Janica, magisip ka nang mabuti. Matalino ka! Magisip ka ng ibang paraan. Kaya mo to “Sabi mo na hindi ka lasing at kilala mo ako”

“Yun lang ba?”

“Bakit? Natatakot ka bang meron kang nasabi na hindi mo pwedeng masabi, Mr. Carter?”

“Wala naman”

Bigla akong napangiti “Okay” ang saya palang tuksuin ng tao na ito. Kung alam mo lang kung anong pinagsasabi mo nun. Talagang mahihiya ka sa nagawa mo.

Pagkatapos ng klase ay naglakad ako magisa patungo sa entrance ng school namin. Biglang may naglagay ng braso sa balikat ko. Tumingin ako at si Kevin pala yun. Ngumiti siya sa akin

“Ginulat mo ako” sabi ko

“Sorry. Janica, maraming salamat talaga sa ginawa mo”

“Ah, yun? Walang anuman”

“Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Wala na rin akong galit kay Alexa”

“Nagkabalikan kayo?” hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ko ito matanong sa kanya

“Wala. Friends lang kami”

“Mabuti na rin kesa hindi kayo nagpapansinan”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon