Chapter 39

879 35 0
                                    

Nagpasyal kami ni Xavier sa bay. Nakatingin ako sa mga bituin habang siya ay nakatingin sa akin. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin “Hindi ko akalain na mahal mo pala ako”

“Salamat sa papa ko. Siya ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para sabihin sayo ang totoo”

Hinawakan niya ang kamay ko “Ngayong nalaman ko na mahal mo ako, hinding hindi kita sasaktan”

“Engaged ka na”

“Pero ikaw ang mahal ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap isuot ang singsing sa taong hindi ko mahal. Habang tinititigan ko si Thea nun ay ikaw yung nasa isip ko. Iniisip ko nalang na sayo ko yun isinusuot”

“Sorry. Sorry dahil wala akong nagawa nung pinaglaban mo yung pagmamahal mo para sa akin”

“Hindi pa naman huli ang lahat, Janica. May magagawa pa tayo” yinakap niya ako “Basta huwag ka lang mawawala sa akin”

Pagkatapos magdiscuss namin sa Physics ay may announcement yung adviser namin. Si Ms. Reyes yung adviser namin

“May camp sa susunod na linggo para sa Senior students. Pipiliin ko lang kung sino ang makakasali since limited lang siya” kinuha niya yung listahan sa mga napili niyang estudyante “Ian Navarro, Kevin Andre Tan, Janica Chai Marquez, Maria Go at Xavier Kristian Carter”

May nagtaas ng kamay galing sa kaklase ko “Bakit dalawa lang yung babae?”

“Kasi sa other class, madami sa kanila ang bababe”

“Sayang hindi ako kasali. Andon pa naman yung boyfriend ko” sabi ni Nadine

Tumingin ako sa kanya “Aalagaan ko siya para sayo”

“Sabihin mo sa akin kung mambababe siya”

“Oo naman. Huwag kang magalala” ngumiti ako sa kanya

Paglabas ni Ms. Reyes ay lumapit sa amin si Ian “Hoy! Huwag kang mambabae don sa camp! Babantayan ka ni Janica”

“Kahit hindi ako babantayan ni Janica, hinding hindi talaga ako mambabae”

Tumayo si Nadine at yinakap siya ni Ian. Nakaka inggit sila tignan! Ang sweet naman nila. Huminga ako ng malalim at tumayo na rin. Lumapit sina Edward at Xavier sa amin. Nilagay ni Edward yung braso niya sa balikat ko “Since okay na kayo ni Xavier, sasabay ka na sa amin maglunch”

“Oo nga! Sabay na kayo sa amin. Miss ko na ang girlfriend ko” sabi ni Ian na nakalagay yung braso niya sa balikat ni Nadine

“Huwag mo nga siyang akbayan!” kinuha ni Xavier yung braso ni Edward galing sa balikat ko

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon