Chapter 10

1.2K 34 0
                                    

Sabado ngayon at walang pasok! Habang kumain ako nang agahan ay nakita ko si Duke na nakasuot na ng Soccer attire. Saan kaya siya pupunta? Nagpaalam siya sa akin dahil pupunta siya sa skwelahan

“May practice ba kayo ngayon?” tanong ko sa kanya

“Wala. May game kami ngayon” at umalis na siya nang bahay

Biglang nagring ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag

“Bff! Manood tayo ng Soccer game”

“Huh? Saan?”

“Sa skwelahan natin. Gusto kong makita si Paulo”

“Sige. Maliligo muna ako”

“Papunta na ako kaya dalian mo nga dyan”

“Sige po” pagkatapos kong kumain ay agad akong umakyat sa itaas para maligo. Nagbihis na ako at nagpahatid ako kay Manong Ben papunta sa skwelahan. Nakita ko si Nadine na naghihintay sa akin sa entrance ng skwelahan. Bumaba ako sa sasakyan at pinuntahan si Nadine

“Ang tagal mo. Halika na! Punta na tayo sa Soccer field. Magsisimula na yung game”

Pumunta kami kaagad sa Soccer field at umupo sa mga bleachers. Nakita ko si Duke kaagad. Naglalaro yung kapatid ko. Tinuro ni Nadine si Paulo “Ayun si Paulo! Ang gwapo niya!” Naglalaro rin si Paulo. Nakita ko rin si Xavier. Ang galing pala niya maglaro. Nakascore sila nang one point at ang saya saya nina Paulo at Xavier. Tumalon si Xavier na nakangiti. Napakaboring talaga ng Soccer. Ang init pa! Matapos ang isang oras ay hindi pa rin natapos ang laro nila. Naalala ko na may laro pala sila Jefferson ngayon! Hinawakan ko ang kamay ni Nadine “May laro sila Jefferson ngayon. Kailangan kong pumunta ngayon din!” tumayo ako

“Sama ako!” sigaw ni Nadine. Tumakbo kami patungo sa gym. Ang layo pa ng gym galing sa Soccer field. Pagdating ko sa gym ay humihingal ako. Nakita ko si Jefferson na nakaupo na sa katabi ng coach niya

“Bff, parang tapos na yung laro”

Nagsi-alisan na ang mga tao

“Sayang hindi sila nanalo. Hindi kasi makashoot si Jefferson. Ano kaya ang nangyari sa kanya?” sabi ng isang babae

“Hindi ko rin alam. Makakabawi pa naman sila”

Hindi makashoot nang maayos si Jefferson? Bakit? Ang galing niya kaya sa Basketball. Bakit nagkaganito siya? Nakita ko si Cloe at tinawag ko siya. Lumapit siya sa akin na nakasimangot “Hindi sila nanalo”

“Bakit?” tanong ko sa kanya

“Hindi ko rin alam. Punta na ako ha? May project pa kasi kaming gagawin”

“Sige…”kinagat ko yung labi ko

Huminga ako nang malalim at nakita ko si Jefferson na tumayo dalang dala yung bag niya. Pumasok siya sa Boys CR

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon