Chapter 1

3.4K 60 8
                                    

Isang panibagong araw na naman! Gumising ako ng maaga dahil papasok na ako sa paaralan ko sa St. Valentine Academy. Ito ang unang araw ko bilang isang junior high school student. Pagkatapos ko mag-ayos ay pumunta na ako sa ibaba para kumain ng agahan. Nakita ko ang mama at papa ko na kumakain na.

“Magandang araw, Ma, Pa” sabay bati ko sa kanila. Umupo ako sa upuan katabi ng mama ko

“Magandang araw din sa’yo, anak. Saan na ba si Duke?” tanong ng mama ko habang nakatingin sa akin. Ang papa ko ay nagbabasa ng newspaper habang may kape sa kanyang kamay

“Andito na ako!” sigaw ng kababata kong kapatid na si Duke. Umupo siya sa upuan katabi ng papa ko

“Duke, ngayon ang unang araw mo sa St. Valentine Academy. Magpakabait ka ha? Andoon ang ate mo. Babantayan ka niya palagi” payo ng mama ko sa kapatid ko. Sinimulan ko ng kumain ng agahan.

“Ma, hindi na ako bata. Freshman high school student na ako. Hindi na niya ako kailangan bantayin pa”

“Bata ka pa. 13 years old ka palang. Sa ayaw at sa gusto mo, babantayan ka ng ate mo. Maliwanag?”

Yumuko si Duke at sabay sabi ng “Oo”

“Sige kumain ka na baka mahuli pa kayo”

Hinatid kami ni Manong Ben papunta sa paaralan namin. Excited na ako pumasok. Miss na miss ko na

talaga ang mga classmates ko lalong lalo na si Nadine. Classmates kami since Kinder hanggang

ngayon! Magkakilala rin ang mga magulang namin. Si Nadine ay only child kaya noong bata pa kami,

ako yung palaging kalaro niya. Namatay kasi yung mama niya pagkatapos noong isinilang siya kaya

para na kaming magkapatid. Papasok na ako sa paaralan. Biglang hinila ni Duke yung bagpack ko.

“Huwag mo na ako bantayan. Kaya ko na sarili ko”

“Wala akong paki-alam sa’yo, gago!” sinigawan ko siya

“Mabuti naman at teka lang…hindi ako gago!” at sa wakas, umalis na rin siya. Ganito kaming dalawa ni

Duke. Hindi ko siya babantayan no! Nag-aral ako dito para meron akong matutunan hind maging

babysitter.  Habang papunta ako sa classroom namin ay nakita ko ang crush ko na si Kevin. Siya ay

miyembro ng Dance Troupe at ang gwapo gwapo niya! Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya.

Junior din siya kagaya ko pero hindi kami classmates. Kasama niya si Alexa, ang pinakamagandang

babae dito sa school na ito. Kasing ganda niya si Mama Mary. Ang puti puti at ang kinis ng balat.

Biglang hinalikan niya si Alexa sa pisngi. Nagulat ako sa nakita ko! Sila na ba? Bakit?! Hindi ito pwede!

Ako dapat ang hinahalikan ni Kevin at hindi siya! Pero sa totoo lang, bagay na bagay sila. Umalis

nalang ako para hindi na magselos.

Papasok na ako sa classroom na biglang sinalubong ako ni Nadine. Hinila niya ako papunta sa upuan

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon