Chapter 57

838 39 0
                                    

Umupo ako sa harapan niya. May dala siyang mga pagkain galing pa sa Cebu. Dinalhan niya ako ng isang bracelet galing sa Cebu. Inalagay ko yun sa table ko at tumingin sa kanya

“Ano ba yung paguusapan natin? Pwede sa ibang araw nalang? Namiss kita” sabay ngiti niya sa akin

Huminga ako ng malalim. Wala akong paki alam kung namiss niya ako. Nagdadalawang isip nga ako kung paniniwalaan ko yun o hindi “Naalala mo ba yung favor ko sayo? Sabi mo sa akin na sasagutin mo lahat ng tanong ko sayo. Sana sagutin mo lahat yun ng buong katotohanan” tumingin ako sa ibaba. Kaya ko ito. Ayaw kong umiyak dahil ayaw kong isipin niya na mahina ako. Kailangan ipakita ko sa kanya na malakas ako. Malakas akong malaman kung ano yung totoo “Nagalit ka sa akin dahil hindi kita sinabihan na magbabakasyon ako sa Tagaytay tapos kasama ko si Xavier. Bakit hindi mo ako sinabihan na magkasama pala kayo ni Alexa sa Cebu?”

“Hindi ko alam na kasama siya. Hindi ko talaga alam. Maniwala ka sa akin”

Nagsisinungaling siya. Kilala ko si Kevin. Alam ko kung kailan siya magsisinungaling “Bakit hindi mo sinabi sa akin na first girlfriend mo pala si Alexa?”

“Janica, sorry. Sorry talaga. Sasabihin ko naman talaga lahat yun sayo pero hindi ko talaga kung paano”

Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak. Kanina ko pa ito pinipigilan yung nararamdaman ko pero hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko “Hindi mo alam kung gaano kasakit nung nagalit ka sa akin kasi hindi ako nagpaalam sayo na magbabakasyon ako tapos mas lalo ka pang nagalit kasi magkasama kaming dalawa ni Xavier. Nagtataka nga ako dahil hindi ka man nagtext o tumawag sa akin. Nagalala na nga ako baka ano na yung nangyari sayo doon pero hindi ko pala alam na magkasama kayong dalawa ni Alexa. Mas lalo akong nasaktan nung nalaman ko na may nakaraan kayong dalawa. Kahit ano ano na yung iniisip ko. Biglang naisip ko na posible ba kayang magkabalikan silang dalawa? Ano na kaya yung nangyari sa kanilang dalawa doon? Hindi ako makatulog nung gabing yon sa kakaisip sayo habang ikaw, nagpapakasaya doon sa Cebu kasama si Alexa. Hindi ko alam kung nagseselos ba ako, nagagalit o nasasaktan. Halo halo na siguro tong nararamdaman ko ngayon”

Tumabi siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit “Janica, sorry talaga. Sorry dahil nagalit ako sayo noon. Sorry dahil hindi kita sinabihan tungkol sa amin ni Alexa. Walang nangyari sa amin sa Cebu. Magkaibigan lang talaga kaming dalawa” tumingin siya sa akin at pinunasan yung mga luha ko “Ikaw yung mahal ko. Ikaw lang”

“Ayaw ko ng magsinungaling ka pa ulit sa akin o magtago pa ng kahit ano dahil kung gagawin mo pa ulit yon, mababawasan na talaga tong nararamdaman ko para sayo”

“Hindi ko na gagawin ulit yon. Pangako” yinakap niya ako ng mahigpit “Namiss kita. Namiss mo ba ako?”

“Oo, namiss kita”

Bukas na sana kami pupunta sa beach pero hindi yon matutuloy dahil hindi makakapunta bukas si Ian. Nandito ngayon sa kwarto ko si Nadine, umiiyak. Umiiyak siya dahil hindi matutuloy yung beach namin bukas

“Parang hindi na mahalaga sa kanya yung relasyon namin” sabi niya habang umiiyak

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon