Hinatid ni Paulo si Nadine pauwi. Nagtext si mama kung nasaan na daw ako kaya sinabihan ko siya na kasama ko si Xavier ngayon. Sabi niya na doon nalang daw kami magdidinner sa bahay. Nung nakarating na kami sa bahay ay nakita namin si Kevin naghihintay sa labas ng bahay. Nagulat ako sa nakita ko. Hindi niya alam na magkasama kami ngayon ni Xavier. Lumapit kami sa kanya
“Saan ka galing?” tanong ni Kevin sa akin
“Galing ako sa mall kasama si Nadine, Paulo at Xavier”
Hindi siya ngumiti. Nakakunot yung noo ni Kevin. Alam kong galit na galit siya ngayon. Mabait si Kevin pero para siyang monster kung magalit. Kagaya ni ate Megan. Hindi siya nagtanong pa ulit. Naging awkward yung conversation namin at mabuti nalang dumating si mama
“Oh! Andyan na pala kayo! Pasok na kayo para makakain na tayo” sabi ni mama
Pumasok kami sa loob ng bahay at kumain. Hindi pa rin kami naguusap ni Xavier pagdating namin dito. Parang iniiwasan niya si Kevin kasi kapag magtatanong si papa tungkol sa kanilang dalawa ay hindi sumasagot si Xavier. Patuloy pa rin siyang kumakain. Pagkatapos namin kumain ay lumabas kaming tatlo sa bahay. Nakita kong huminga ng malalim si Xavier at tumingin siya sa amin
“Janica, uuwi na ako. Hinihintay na ako nila sa bahay” tumingin siya kay Kevin “Kevin, uwi na ako”
Tumango si Kevin sa kanya. Paguwi ni Xavier ay nagusap kaming dalawa ni Kevin tungkol sa nangyari kanina
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagsama kayo kanina?” tanong ni Kevin
“Biglaang pagkikita yon. Nagkita lang kami sa mall”
“At hindi mo ako sinabihan? Alam mong nagaalala ako sayo. Hindi mo sinasagot yung phone mo”
Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala dala yung phone ko nung andon kami sa mall “Naiwan ko kasi dito”
Huminga siya ng malalim. Yumuko siya at tumingin sa akin “Janica, ayaw kong sabihin sayo to pero…layuan mo na si Xavier”
Nanlaki yung mga mata ko. Ano? Lalayuan ko si Xavier? Bakit naman? Para saan? Kaibigan ko siya! Hindi dapat pwede yun! “What?! Kaibigan ko siya tapos pinsan mo siya! Anong masama don?”
“Ayaw kong palagi kayong magkasama kasi may nakaraan kayo! Alam kong hindi mo na yun maalala lahat pero natatakot ako na baka mahuhulog rin yung loob mo sa kanya. Kaya sana, layuan mo na siya” tumingin siya sa mga mata ko
“Bakit? Ako lang ba? Tuwing magsasama kayo ni Alexa, hindi ko maiwasang isipin na posibleng magkabalikan kayo kasi may nakaraan din kayo. Kahit tapos na lahat sa inyo, alam kong babalik yung nararamdaman mo para sa kanya pero hindi ko nalang inisip yun dahil may tiwala ako sayo. Hindi kita pinapalayo ni Alexa kaya sana huwag mo akong ipalayo kay Xavier”
Gusto ko ng bumalik sa loob ng bahay kasi ayaw ko ng makausap si Kevin. Naiinis ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Pabalik na sana ako sa loob ng bahay pero hinawakan niya ang kamay ko
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...