Chapter 23

967 36 2
                                    

Nagsimba kami dahil Christmas Eve ngayon. Habang nagpeace kami sa aking pamilya at sa paligid ko ay nakita ko si Jefferson sa kabila. Ngumiti siya sa akin at nagsabi ng peace. Nagsabi rin ako ng peace sa kanya. Pagkatapos ng misa ay lumabas na kami ng simbahan. Nagkita yung pamilya ko at pamilya ni Jefferson kaya nagusap muna sila. Lumapit si Jefferson sa akin

“Pupunta ka ba mamaya sa playground?”

“Oo. Dating gawi pa rin”

“Maghihintay ako”

Lumapit sina Raymond at Margarette sa amin habang si Elizabeth at Duke ay naguusap

“Nica! Matagal ka na namin hindi nakita” sabi ni Raymond

“Oo nga. Lalo kang gumanda” sabi ni Margarette

Nilagay ni Raymond yung braso niya sa balikat ni Jefferson “Kaya pala. In love na in love yung kapatid ko sayo”

“Kuya…” sabi ni Jefferson at yumuko siya

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Raymond. Alam pala nila na may gusto si Jefferson sa akin?

“Huwag mong saktan si Janica, Jefferson. Lagot ka sa akin talaga kahit kapatid pa kita” sabi ni Margarette

“Ate naman! Umalis na nga kayo dito! Nakakainis kayong dalawa”

“Alis na tayo Marg, magdadate pa sila” tukso ni Raymond

“Have fun!” sabi ni Margarette bago sila umalis

“Sorry talaga sa kuya at ate ko” paumanhin ni Jefferson

“Parang hindi na rin ako nasanay. Simula nung mga bata pa tayo lagi nila tayo tinutukso”

Nang nakauwi na kami sa bahay ay kumain kami at naghintay ng alas dose. Nung nagalas dose na ay nag greet kami ng Merry Christmas at binuksan namin yung mga gift namin na nakalagay sa Christmas Tree. Nakatanggap ako ng tatlong gift. Isa kay mama, isa kay papa at hindi ko alam kung sino galing ang isa. Nakapagtataka nga dahil every Christmas ay dalawang gift lang yung matatanggap ko. Kanino kaya tong isa galing? Binuksan ko muna kay mama. Binigyan niya ako ng magadang dress. Binuksan ko kay papa at binigyan ako ni papa ng necklace. At ito na, bubuksan ko na ang huling regalo na natanggap ko. Pagbukas ko ay may sulat “Merry Christmas Bff!” napangiti ako kay Nadine pala to galing! Bakit hindi niya binigay sa akin nung Christmas Party? Ito ay frame na may drawing na babae at lalake na nagyakapan sa isa’t isa. Sa ibaba dito ay may nakasulat na Tanga at Mayabang <3. Nagulat ako sa binigay ni Nadine. Ano naman ba tong gift na ito! Ito ang pinaka ayaw ko na gift na binigay niya sa akin. Akala ko ba hindi siya kasali sa kanila na tumutukso sa aming dalawa? Tapos ano to ngayon? Hay nako! Lagot ka sa akin Nadine pagbalik ng klase!

Pumunta ako sa playground kung saan naghihintay sina Cloe at Jefferson sa akin. Ganito kami palagi nung mga bata pa kami. Pumunta kami sa playground para magexchange gifts. Nung nakarating ako sa playground ay nakaupo sina Cloe at Jefferson sa swing

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon