Chapter 41

945 34 0
                                    

Naglalakad ako patungo sa classroom ko. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakatingin lahat ng tao sa akin. Nagbulong bulongan sila at ang grabe kung makakatitig sa akin! May nagawa ba akong masama? Hindi ko nalang sila pinaka alaman. Pumasok ako sa classroom at umupo

“Bff”

Tumingin ako kay Nadine

“Meron ka bang napapansin?”

“Oo. Nakatingin lahat ng mga tao sa akin kanina. May nangyari ba?”

“Usap usapan na sa school yung mga nangyari sa camp. Sabi nila malandi ka daw at mangaagaw. Inaagaw mo daw si Xavier kay Thea”

“Hayaan mo na sila. Hindi nila alam kung ano yung totoo”

Hinawakan niya ang balikat ko “Alam kong marami ka ng mga problema at alam kong kakayanin mo ito lahat”

Ngumiti ako sa kanya. Pagkatapos ng klase ay naglakad ako patungo sa entrance ng school. Nakatingin pa rin yung lahat ng mga tao sa akin. Hindi ko nalang sila pinapansin. Dumating si Xavier na kasama si Thea. Ayaw kong pansinin siya baka maging issue naman ito. Nung malapit na kami sa isa’t isa ay nagtinginan kaming dalawa. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nung magkalapit na kami ay nagpatuloy akong maglakad. Biglang hinawakan ni Xavier yung kamay ko at napatingin ako sa kanya. Tinignan niya ako sa mga mata habang si Thea ay nakatingin sa kamay ni Xavier. Pilit kong kunin yung kamay ko sa pagkakapit niya pero lalo niyang hinigpitan yung pagkakapit sa kamay ko

“Xav…”

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya. Umatras ako para matigil yung paghalik niya sa akin. Tumingin ako kay Thea. Kitang kita sa mukha niya na nagulat din siya sa nangyari at tumingin ako ulit kay Xavier. Kinagat ko ang labi ko at tumakbo. Pagdating ko sa entrance ng school ay andon na si Duke. Hinila ko yung kamay niya at mabuti nalang at andito na si Manong Ben. Pumasok kami ni Duke sa sasakyan

“Bakit ka nagmamadali?” tanong ni Duke

Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung ginawa ni Xavier kanina

“Ate!”

Tumingin ako sa kanya

“Nakikinig ka ba sa akin?”

“Ha? Ah…wala. Wala lang”

Bakit niya ba ako hinalikan sa harapan ni Thea at sa harapan ng mga tao? Kakahiya yung ginawa niya! Bakit ba ang tanga tanga ko! Sana pinigilan ko siya! Pero hindi ko naman alam na gagawin niya yun. Alam ko bukas, usap usapan naman ako sa school. Siguradong sigurado yan. Pagdating namin sa bahay ay andon sa labas ng gate sina Cloe at Jefferson. Lumabas ako sa sasakyan

“Janica, magdidinner tayo sa restaurant. Treat ni Jefferson” sabay ngiti ni Cloe

Tumingin ako kay Jefferson “Para saan?”

Nagkamot si Jefferson sa ulo niya “Nakalimutan mo na”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon