Pumunta na si kuya sa St. Valentine’s Academy habang ako ay papunta na sa bahay ni Janica. Gusto kong surpresahin siya. Susunduin ko siya para sama na kaming pumunta sa school namin. Nung nakarating na ako don ay nakita ko na may isang pamilyar na sasakyan sa harap ng bahay nila. Huminto ako malayo sa kanilang bahay at nakita ko si Janica kasama si Kevin lumabas sa bahay nila. Magkasama pala sila. Nung nakaalis na sila ay umalis na rin ako. Nagpark ako malayo sa kanila para hindi nila ako makita. Lumabas ako sa sasakyan at nakita ko silang pumasok na sa school. Nung nakarating na ako sa gym ay pinagtitinginan silang dalawa. Nasa braso ni Kevin ang kamay ni Janica at naririnig ko yung mga bulong bulongan ng mga tao
“Sila na pala? Di ba, si Janica at Xavier noon?” girl #1
“Noon yun! Pero bakit naging sila? Naghiwalay ata si Xavier at Janica” girl #2
“Baka naghiwalay sila dahil balita ko, andon nagkolehiyo si Xavier. Baka hindi nila nakaya yung LDR” girl #1
“Xavier! Bro!” nakita ko si Edward palapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya “Bro!”
“Andito pala si Xavier?!” girl #1
“Ang gwapo pa rin niya hanggang ngayon!” girl #2
“Tapos ang laki na ng katawan!” girl #1
“Kailan ka lang nakauwi?” tanong ni Edward
“Nung isang linggo pa”
“Edward? Xavier?” nakita namin si Ian kasama si Nadine. Lumapit sila sa amin at nagbro fist kami
“Ang laki ng pinagbago mo ha!” sabi ni Ian
Bigla akong napatawa dahil wala naman talagang nagbago sa akin. Nawala lang si Janica sa akin, yun lang yung nagbago sa akin
“Punta na tayo don sa table! Andon si Thea, Harry, Janica at Kevin…” biglang naghina yung boses ni Edward nung sinabi niya yung pangalan ni Janica at Kevin
Nilagay ko yung kamay ko sa braso niya “Ano ka ba! Alam ko ang tungkol sa kanila”
Nanlaki ang mga mata ni Nadine “Hindi ka nagseselos?”
“Psh! Selos? Pumunta nalang tayo don. Nagugutom na rin ako” hindi ko alam kung ano yung sasagutin ko don. Speechless ako. Ewan ko. Hindi ko alam talaga. Bago nagsimula yung program ay pinakain muna kami. Circle yung table na kinakainan namin. Nadine, Ian, ako, Edward, Thea, Harry, Kevin at Janica. Yan yung seating arrangement namin. Malayo ako kay Janica pero gusto ko talagang nasa tabi niya ako. Habang kumakain kami ay biglang napatayo si Kevin at sinagot yung tawag. Tumingin si Janica nung naglakad palayo si Kevin. Halatang halata talaga na mahal talaga ni Janica si Kevin.
Pagkatapos namin kumain ay nagsimula na yung program. Bumalik si Janica galing sa labas magisa. Kanina ay kasama niya si Kevin pero ngayon hindi na. Nagusap sila ni Nadine at bumalik sa panonood sa program. Ano kaya ang nangyari kung bakit nawala si Kevin? May video presentation ipinakita sa amin. Andon yung mga pictures namin noon. Tinitignan ko si Janica habang nanonood siya sa video presentation. Alam kong hindi na niya maalala lahat. Biglang ipinakita sa video nung nasa soccer field ako nung yinaya ko Janica na maging Valentina ko
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...