Chapter 24

917 35 0
                                    

Pag gising ko ay nawala na si Xavier. Nakita ko si Duke na nagaayos sa kanyang sarili sa harapan ng salamin. Tumingin siya sa akin “Gising ka na pala. Andon na sila lahat kumakain sa baba. Sunod ka nalang” sabi niya bago siya umalis sa room. Tumayo ako at nagayos na rin. Nagugutom na rin kasi ako. Bumababa ako at hinananap sila. Umupo ako sa tabi ni Duke.

“Musta yung tulog mo?” tanong ni papa

“Okay lang po” sinimulan ko ng kumain

“May party mamaya sa beach, sasama ka ba sa amin?” tanong ni Paulo

“Ha? Umm…”

“Sumama ka na” sabi ni mama

“Ako! Sasama ako!” sabi ni Duke

“Masyado ka pang mabata para sa mga ganyan” sabi ni papa

Yumuko nalang si Duke. Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa beach. May party nga! May malaking stage na kung saan nandoon ay iba’t ibang banda. Marami ring tao ang nandito. Merong nagiinuman, meron namang sumasayaw. May isang lalake na lumapit sa amin

“Paulo?”

“Adrian?”

“Ang tagal na natin di nagkikita ah? Musta ka na dude?”

“Okay lang”

“Si Xavier na ba ito? Ang laki na niya! Sino naman tong babae to? Girlfriend mo?”

“Hindi kaibigan namin yan”

“Ah…sama kayo sa amin”

Pumunta kami sa isang table kung saan nagiinuman. May tatlong lalake siyang kasama at dalawang babae. Naginuman sila kasama ni Paulo. Pilit nilang pina inom si Xavier kaya uminom na rin siya. Tapos ako na rin yung pinipilit. Palagi ko silang sinasabihan na ayaw kong uminom pero sabi nila once in a lifetime lang naman daw yun. Dahil sa kanilang kakulitan, napilitan akong uminom. Hindi naman siguro ako mapapagalitan nito di ba? Kasama ko naman sina Paulo at Xavier. Pagkatapos kong uminom ay nandidiri ako sa lasa. Ano ba yung lasa na yon! Hindi ko ma explain! Pagkatapos ng ilang ikot ay naka five shots na ako at parang ayaw ko na. Nahihilo na ako. Tumayo si Paulo at nagaya na sumayaw sila. Kami nalang ni Xavier ay natira sa table. Parang gusto ko na ring sumayaw. Parang high na ako ngayon. Tumayo ako at hinila ko si Xavier

“Saan tayo pupunta?” tanong niya

“Sasayaw” hinila ko siya patungo sa napakaraming tao na sumasayaw. Habang sumasayaw ako ay si Xavier ay nakatingin lamang sa akin. Ang kj naman niya! Bumulong ako sa kanya

“Sumayaw ka nga dyan!!!”

Inilayo niya yung mukha sa akin. Hinihipo niya yung tenga na para bang nasaktan siya sa pagbulong ko sa kanya “Hinaan mo yung boses mo!”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon