Pagkatapos namin kumain ay pumasok sina Duke, Paulo at Xavier sa kwarto ko. Nakadamit pangbahay na sina Paulo at Xavier. Si Paulo ay nakasuot ng white shirt at shorts habang si Xavier ay nakasuot ng blue tank top at shorts. Makikita mo talaga ang kanyang katawan. Maganda ang kanilang katawan ni Paulo. Ano ba ang nangyayari sa akin? Kailangan ko silang pigilan. Janica, huwag kang madidistract sa kanilang mga katawan “Anong ginagawa niyo dito?”
May dalang popcorn si Duke habang si Paulo ay may dalang mga DVDs. Si Xavier ay tumingin sa akin na walang emosyon. Hindi niya ako kinausap ngayon pagkatapos nang mahimatay ako. Nagsisisi ba siya sa ginawa niya? Sana nga
“Sabi nina mama at papa na dito na kami matutulog para babantayan ka namin” sabi ni Duke
Inilatad ni Duke ang malaking foam sa sahig “Manood tayo ng movies!” sabi ni Paulo
“Matutulog na ako” humiga ako at kinuha ang blanket ko. Humiga si Paulo sa tabi ko “Huwag ka nga maging KJ!”
“Kayo nalang manood”
Pinilit ako ni Paulo na manood kaya wala akong magawa kundi manood na rin. Nakaupo kaming lahat sa foam. Nanood kami ng Diary ng Panget. Nakita ko na ito dati pero sina Paulo at Xavier ay hindi pa. Nakakakilig talaga tong movie na ito! Nakakakilig sina Cross at Eya. Ang swerte ni Eya kay Cross. Gwapo, mayaman, matalino, halos na sa kanya na ang lahat. Sana may isang lalaki kagaya ni Cross. Hanggang pangarap nalang tayo. Pagkatapos namin manood ng Diary ng Panget ay nanood kami ng The Mortal Instruments: City of Bones. Nakita ko na rin ito. Walang ibang DVD diyan na hindi ko pa nakita? Habang patapos na ang movie ay nakita ko si Paulo at Duke na natutulog na. Si Xavier ay nanonood pa. Tumayo ako at humiga sa kama ko. Tumingin si Xavier sa akin “Hindi mo ba ito tatapusin?”
“Nakita ko na yan”
Pagkatapos ng movie ay pinatay na ni Xavier ang tv at ang ilaw. Hindi pa rin ako makatulog kahit nakapikit na yung mga mata ko. Nakita ko si Xavier na nakaupo sa upuan. Binuksan ko yung lampshade at nakita ko siya na tumitingin kay Paulo at Duke “Bakit hindi ka pa natutulog?”
“Tignan mo nga sila”
Nakita ko si Paulo at si Duke na tumutulog nang mahimbing. Na-occupy nila ang isang malaking foam. Grabe naman ito sila “Saan ka matutulog?” tanong ko sa kanya
“Dito nalang”
Parang biglang sumakit ulit yung ulo ko. Kanina pa ito noong kumakain pa kami ng hapunan pero nawala kaagad at ngayon, bumalik na naman ulit. Hinawakan ko yung ulo ko “Ahhh….”
“Anong nangyari sayo? Masakit ba ulo mo?” lumapit si Xavier sa akin
“Xav…”
“Ano? Saan ba ang gamot mo?”
“Ahhh….ang sakit….”
Binuksan ni Xavier ang drawer ko at may nakita siyang gamot. Kinuha niya an gang tubig na nasa study table ko at pina inom niya ako ng gamot. Pinahiga niya ako. Nakahinga ako nang malalim at biglang nawala yung sakit ng ulo ko. Humiga siya sa tabi ko at tumingin ako sa kanya
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...