Tinawag na yung pangalan ko para sa speech ko. Tumayo ako at pumunta sa entablado. Huminga ako ng malalim “Magandang gabi sa inyong lahat. Ito na yung hinihintay namin at sa wakas, nandito ngayon kaming lahat. Sabay kaming nangarap at sabay namin nakamit yung tagumpay na hinahangad namin. May mga pagsubok man na dumating sa buhay namin pero hindi kami nawalan ng pag-asa para ikamit pa lalo yung mga pangarap namin. Sa buhay, walang fast forward, walang rewind. Kaya kung ano yung ginagawa natin ngayon ay sana ito ay yung kagustohan natin. Hindi lang dahil ito yung kagustuhan ng ibang tao na para sa atin pero ito yung kagustuhan natin at ang tinitibok ng ating puso para hindi tayo magsisisi sa huli. Marami man tayong iiwan dito sa St. Valentine Academy pero sana huwag nating kalimutan yung mga natutunan natin dito. Dahil sa likod ng isang matagumpay na tao ay makikita mo kung gaano siya kadaming beses nadapa pero bumabangon pa rin. Sana sa mga kamalian na nagawa natin ay sana maging leksyon yun para sa atin. Maraming salamat at congratulations, graduates”
Pagkatapos kong magspeech ay nagpalakpakan silang lahat. Bumalik ako sa upuan ko at kinanta yung graduation song namin. Pagkatapos ng graduation namin ay pumunta ako sa mga magulang ko. Yinakap nila ako at nagpicture taking. Nagpicture kaming dalawa ni Nadine at Xavier. Nagpapicture rin sa akin si Thea at Stella. Nagpicture kaming lahat magkakaibigan. Hindi man gaano kasaya yung high school ko pero marami talaga akong natutunan.
Habang paalis na ako sa St. Valentine Academy ay hindi ko makakalimutan yung mga nangyari dito. Sa guard house kung saan ko palaging hinihintay si Duke pagkatapos ng klase. Sa soccer field kung saan umamin si Xavier na may gusto siya sa akin. Sa malaking puno kung saan nalasing si Xavier. Sa practice room kung saan umamin si Kevin na may gusto siya sa akin. Sa gym kung saan umamin si Jefferson na may gusto rin siya sa akin. Sa canteen kung saan nabantok yung ulo ko sa unang pagkikita namin ni Xavier. Marami akong maiiwan dito sa St. Valentine Academy at nakakalungkot palang isipin yun. Noon, gusto ko na talagang grumaduate para iba nay ung environment ko pero nakakalungkot pala. Andon na sa sasakyan sina mama at papa at si Duke. May tumawag ng pangalan ko. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Xavier palapit sa akin. Binigyan niya ako ng isang necklace na may letter X. Isinuot niya ito sa akin
“Salamat” sabay ngiti ko sa kanya
Kinuha ko ang bracelet na nabili ko sa jewelry shop at sinuot sa kanya
“Couple bracelet” ngumiti siya
Yinakap niya ako ng mahigpit at tumingin sa akin “Hintayin mo ako”
“Oo” sabay ngiti ko sa kanya at hinalikan niya ako sa noo
Paguwi ko sa bahay ay andon na sina Cloe, Jefferson, kuya Raymond, ate Margarette at Elizabeth. Nagcelebrate kami at pagkatapos kong kumain ay nagbihis ako. Tinignan ko ng mabuti yung bracelet na binigay ni Xavier. Maghihintay ako sayo Xavier kahit magpakailanman.
Pumasok si Cloe sa kwarto ko at umupo siya sa higaan
“Alam mo Janica, ewan ko ba!” bigla siyang nagsasalita ng kahit ano
“Ano ba ang nangyayari sayo?”
Namumula si Cloe. Parang nakainom yata to “Basta ang alam ko, gusto ko si Jefferson. Ang cute niya kasi eh!”
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...