Chapter 35

915 29 13
                                    

Papasok na ako sa bahay habang nakita ko si Jefferson papunta sa basketball court na nakasuot ng jersey at may dala ng bola. Lalapitan ko ba siya o hindi? Nanginginig ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kung sakaling lalapitan ko siya. Tumingin siya sa akin kaya wala akong magawa kundi lapitan siya. Nung nilapitan ko siya ay huminto siya sa paglalakad. Huminga ako ng malalim

“Kamusta ka na?”

“Okay lang” sabi niya. Tinignan ko siya sa mata. Nakikita ko na andyan pa rin yung dating Jefferson kahit nagbago na siya kaonti

“Bakit mo pala binigay ulit yung teddy bear”

“Sayo na yun. Masyado na akong matanda para paglaruan yun”

“Pwede naman mo yun itago”

“Paano ko yun itatago kung ikaw ang lagi kong naalala kapag nakikita ko yun?”

Tumulo ang luha ko “Jefferson…nagbago ka na ba? Hindi na ba ikaw yung dating Jefferson na kababata ko? Nawalan na ba talaga ako ng isang kaibigan?”

“Kung sa tingin mo na nagbago ako, yun ay para sa nakakabuti para sa akin. Minsan kailangan ng tao magbago. Masakit man isipin na nawala na yung dating ako pero wala tayong magagawa. Magbabago talaga ang isang tao sa ayaw at sa gusto natin” naglakad siya palayo sa akin

“Jefferson…” huminto siya sa paglalakad. Hindi siya tumingin sa akin

“Namiss ko yung dating Jefferson. Paki sabi nalang sa kanya na gusto ko siyang bumalik”

Tumuloy siya sa paglalakad at hindi na muli tumingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko at papasok na sana sa loob ng bahay na may tumawag sa akin. Tumingin ako at nakita ko si Cloe. Yinakap niya ako ng mahigpit

“Cloe, wala na yung dating Jefferson”

“Nica, huwag ka ng umiyak. Babalik din siya”

Tumingin ako sa kanya “Hindi na siya babalik. Nagbago na talaga siya”

“Ginagawa lang niya yun dahil sobra siyang nasaktan. Ikaw yung kaiisang babae na minahal niya simula noong mga bata pa tayo”

“Cloe, may mali ba ako?”

“Nica, wala kang mali. Hindi naman kasi natin mapipilit yung sarili natin ang mahalin ang isang tao kahit kaibigan lang yung tingin natin sa kanila. Hindi natuturuan ang puso, Nica kaya wala kang mali”

“Paano ko maibabalik yung dating Jefferson?”

“Hindi natin siya kayang maibalik. Siya lang ang may kaya nun. Alam kong hindi siya nagbago. Pinapakita lang niya sayo na nagbago na siya at okay na siya matapos niyang nalaman na wala kang naramdaman para sa kanya. Siya pa rin yung dating Jefferson na kilala natin”

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagiiyak. Bakit ba sa pag-ibig kailangan may masaktan? Hindi pa pwede masaya nalang lahat ng tao? Sabi nga nila hindi mo malalaman na mahal mo ang isang tao kung hindi ka masasaktan. Minahal talaga ako ni Jefferson Torres. Minahal ako ng kababata ko na akala ko mahal ko rin siya.

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon