Chapter 53

871 41 0
                                    

May naririnig akong mga boses habang natutulog ako. Pagdilat ko sa mga mata ko ay nakita ko sina mama, papa at Duke. Si mama ay may dalang cake habang si Duke ay may dalang mga balloons

“Ang daya mo naman ate! Surprise sana ito!” sabi ni Duke

Napangiti nalang ako sa kanila. Balak pala nila akong surpresahin? Ang cute talaga ng pamilya ko!

“Sorry! Sige pipikit nalang ako ulit” sabay tawa ko

“Huwag na!! Blow your candles nalang. Mahuhuli na rin ako sa klase ko” sabi ni Duke

Kumanta sila ng Happy Birthday song tapos nagblow na rin ako ng candles pero before ako nagblow ng candles, syempre nagwish muna ako. Ang wish ko sana ay maging successful yung business namin. Yan lang yun palagi kong hiling tuwing birthday ko kasi kontento na ako kung anong meron ako ngayon. Andyan sina mama, papa at Duke pati na rin yung mga kaibigan ko at si Kevin.

Pagkatapos nila akong surpresahin ay pumunta na ako sa trabaho ko. Sa wakas, ginagawa ko na ang third floor sa ospital nila ate Megan at Paulo. Biglang may kumatok sa pintuan ko at may tatlong lalake na pumasok sa office ko. Yung isang lalake ay may dalang white roses habang yung isa ay red roses at yung nasa huli ay may dalang tulips, ang paborito kong bulaklak. Inilagay nila ito sa table ko at umalis. Habang tinitignan ko yung mga bulaklak ay may pumasok na lalake. Tumingin ako kung sino yun at nagulat ako sa nakita ko. Lumapit si Xavier sa akin na nakangiti “Happy Birthday”

“Salamat. Sayo ba ito galing lahat?”

Tumango siya at ngumiti. Umupo siya at nagusap kami tungkol kung ano yung gagawin ko sa birthday ko. Simple lang naman talaga ako magcelebrate ng birthday ko, andon lang kami sa bahay kasama yung pamilya ko. Sapat na yun para icelebrate yung birthday ko. Habang naguusap kami ay biglang nagring yung phone ko

“Excuse me” sabi ko

Kinuha ko yung phone ko na nasa table at sinagot ko yung tawag

“Happy Birthday!!!” bati sa akin ni Kevin

“Thank you”

“Ang lungkot ko nga dahil gusto kong andyan ako sa birthday mo”

“Okay lang. May next year pa naman”

“I miss you”

“I miss you too” pagsabi ko nun ay nakita ko si Xavier na yumuko

“Umm…Kevin, magtratrabaho muna ako. Thank you” tapos binaba ko yung phone ko. Iniwasan kong magsabi ng I love you sa kanya dahil alam kong awkward kasi andito si Xavier. Umupo ako ulit kung saan ako nakaupo kanina

“Saan na nga ba tayo?” tanong ko kay Xavier

“Hindi na ako magtatagal. May gagawin pa ako” tumayo si Xavier at tumayo na rin ako

“Sige, punta na ako” palabas na sana siya sa office ko pero tinawag ko siya ulit. Tumingin siya sa akin

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon