Pumasok si Nadine sa kwarto ko na nakasuot na white dress. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa
“Anong tinitingin mo dyan? Magbihis ka na!” sabi niya
Tumayo ako at naghanap ng dress. Nagbihis ako at inayusan ako ni Nadine. Bumababa kami at nagpaalam sa mga magulang ko. Hindi nila alam na pupunta ako sa engagement ni Xavier. Nagpahatid kami ni Manong Ben papunta sa bahay ni Xavier. Nakita namin ang madaming tao sa loob ng bahay nila. Kinakabahan ako habang naglalakad ako patungo sa backyard nila kung saan nagaganap ang engagement. Isang hakbang nalang at makikita ko na si Xavier at Thea. Hinila ko yung kamay ni Nadine. Tumingin siya sa akin “Okay ka lang ba?”
“Parang hindi ko kaya”
Hinawakan niya ang balikat ko “Kaya mo ito, Janica”
Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim “Kaya ko to”
Nakarating kami sa backyard nila. Doon nakita ko si Xavier na hawak hawak ang kamay ni Thea. Halata sa mukha ni Xavier na wala siyang paki alam sa mga tao na nanonood sa kanila habang si Thea ay nakangiti
“We are all gathered here to witness Xavier Kristian Carter and Thea Belle Young’s engagement” sabi ng emcee
Nasa kamay ni Xavier ang singsing na isusuot niya kay Thea. Hinihintay siya ng mga tao para ilagay ang singsing sa kamay ni Thea. Tumingin si Thea sa kanya habang si Xavier ay tinitignan ang singsing. Tumingin si Xavier sa mga tao na nanonood sa kanila at nakita niya ako. Nagulat siya nung nakita niya ako. Ngumiti ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin at tumingin din si Thea sa akin. Hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Xavier. Tumingin si Xavier sa kanya at isinuot sa kamay niya ang singsing. Kinagat ko ang labi ko dahil alam kong lalabas na yung luha ko. Pagkatapos isinuot ni Thea ang singsing ay umalis na ako. Habang naglalakad ako palabas sa bahay ay nakabangga ako ng isang lalake. Tumingin ako sa kanya
“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Kevin
Pinunasan ko ang luha ko at lumabas sa bahay. Pumunta ako kung saan nakapark ang sasakyan at pumasok sa loob ng sasakyan
“Bakit po kayo umiiyak?” tanong ni Manong Ben
“Umuwi na tayo”
Nung nakarating na ako sa bahay ay dumiretso ako sa park. Umupo ako sa swing at umiyak. May lalakeng nakatayo sa kilid ko. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang balikat ko. Tumingin ako sa kanya
“Pumunta ka ba sa engagement?” tanong ni Jefferson
Umiyak ako lalo at yinakap siya ng mahigpit “Akala ko hindi ako masasaktan pero tama nga yung sabi nila, masasaktan lang ako kapag pumunta ako don”
“Sana naniwala ka nalang sa kanila”
Tumingin ako kay Jefferson “Hindi ko alam na masasaktan pala ako”
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...