Chapter 18

1K 44 0
                                    

Papasok na ako nang school nung nakita ako ni Jefferson. Lumapit siya sa akin na nakangiti “Okay na ba sila Alexa at Kevin?”

“I think oo naman”

“Mabuti naman at naayos din nila ang gusot”

“Oo nga. At least sa pag alis ni Alexa, wala siyang maiiwan na masasaktan”

“Brad…”

Tumingin ako sa kanya

“May hiling ako sa iyo”

“Ano yon?”

Huminga siya nang malalim “Pwede manood ka mamaya sa laro ko?”

Bigla akong napangiti. Ang cute naman niya! “Dahil tinulungan mo ako kahapon sa plano ko, as a reward, manonood ako”

Nanlaki ang kanyang mga mata “Talaga brad?”

“Oo naman”

Bigla niya akong yinakap “Maraming salamat brad”

Bakit ba ang big deal sa kanya ito? Kailangan ba talaga akong manood sa laro niya? Ganon ba yon ka importante? Hmm…hindi ko rin alam

“Brad, pupunta na ako. Kita nalang tayo mamaya” sabi niya habang paalis na siya

Hindi pa rin siya nagbago. Ganito rin siya noong pagkabata namin. Gusto niya manood kami palagi ni Cloe sa mga laro niya. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami na natalo sila sa laro at buong gabi siya umiiyak. Ang cute talaga niya! Talagang mahal na mahal niya ang larong basketball.

Nakaupo ako dito sa bleachers kasama si Nadine. Nanuod kami nang laro ni Duke kalaban ang Juniors. Kalaban sila ni Xavier sa laro. Ang boring naman nang laro nato! Ang tagal makapuntos! Naiinip na ako sa kapapanood ng Soccer. Ang tagal ba matapos nang laro na ito! Gusto ko nang umalis!

“Manood nalang tayo ng Basketball” sabi ni Nadine

“Sige. Naiinip na rin ako dito eh”

Naglakad kami papunta sa gym. Hindi pa kami nakapasok sa gym ay naririnig na namin ang mga hiyawan ng mga tao. Nung pumasok na kami sa gym ay nakita namin ang kadami ng mga tao na nanonood. Mas madami pa ang nanonood ng Basketball kesa sa Soccer. Kaya nga mas madaming humahanga kay Jefferson kesa kay Xavier pero sikat naman din sina Xavier at Paulo. Kilala silang Carter brothers sa school nato. Humanap na kami ng mauupuan ni Nadine. Nang makaupo na kami ay pumasok na ang mga maglalaro. Nakita ko si Jefferson nakaupo sa harapan kasama ng mga teammates niya. Kalaban nila ang Seniors. Championship na ito. Nakita ko si Jefferson na kinakabahan. Lagi niyang kiniskis ang dalawang palad niya.

“Go Jefferson!!!” sigaw ni Nadine. Bigla siyang tumingin kung saan kami nakaupo at kumaway si Nadine sa kanya. Kumaway din siya sa amin na may kasamang ngiti. Hinihila niya ang braso ko dahil sa sobrang kilig niya. Nung nagsimula na ang laro ay kasama si Jefferson sa first five na naglaro. Palagi siyang nakapuntos. Ang galing niya talaga! Matapos ang ilang oras ay second quarter na. Hindi siya pinapasok sa second quarter. Magagaling din ang mga Seniors. Ang tatangkad din nila. May konting pisikalan ang laro nila. Mabuti nalang at wala si Jefferson sa quarter nito. 40-52 na ang score nila. Lamang pa rin sila Jefferson.

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon