Chapter 31

1K 33 0
                                    

Gumising ako sa panibagong araw. Nakatingin ako sa magandang sinag ng araw. Napangiti ako dahil naalala ko yung nangyari kahapon. Hindi ko akalain na matagal na pala tinatago ni Xavier yung nararamdaman niya sa akin. Kaya pala bigla siyang naging mabait sa akin at nagiba siya. Hindi ko rin akalain na alam na ng mga magulang namin na may gusto siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagngiti. Parang magaan yung pakiramdam ko ngayon. Bakit kay Xavier lang ako ganito? Nung umamin si Jefferson at Kevin sa akin na may gusto sila sa akin ay para lang akong wala pero bakit ganito kay Xavier? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko naman si Xavier. Noon lang yun pero bakit ganito? Pumasok si Duke sa kwarto ko at umupo sa tabi ko

“Ate, nakita ko kahapon yung nangyari sa soccer field. Bakit di mo sinagot si kuya Xavier?”

Tumingin ako sa kanya “Wala ka ng pakialam don”

“Sana andon ka kahapon sa Ball. You miss half of your life”

Tumayo ako “May susunod na Ball pa naman. Anyway, sino yung partner mo kagabi?”

Bigla siyang napangiti sa tanong ko

“Si Elizabeth?”

Ngumiti siya lalo

“Hoy! Isusumbong kita!”

“Ate naman! Ang KJ mo! Isang gabi lang naman”

Umupo ako ulit sa tabi niya at huminga ng malalim “Nung first year pa ako, walang nagalok sa akin na maging Valentina nila. Halos lahat ng mga estudyante noon may partner pero ako wala. Ang lungkot nga non. Ngayong meron nagalok sa akin, wala man akong napili kahit isa. Sa tingin mo, tanga ba ako?”

“Oo! Ang tanga mo talaga! Si kuya Xavier lang ang nagalok sayo tapos hindi mo pa sinagot”

“Hindi lang si Xavier ang nagalok sa akin”

Nagulat siya sa sinabi ko “Sino pa ba yung iba?”

“Si Jefferson at si Kevin”

“Kevin?! Siya yung pinsan ni kuya Xavier?”

“Oo kaya nga hindi ko alam kung sino yung pipiliin sa kanila dahil silang tatlo ay malapit sa akin at…silang tatlo may gusto sa akin”

Nanlaki yung mga mata niya “Silang tatlo may gusto sayo? Weh? Di nga? Nagsisinungaling ka ba ate?”

Sinapak ko yung ulo niya “Gago! Mukha ba akong nagsisinungaling?”

“Sino naman ang hindi magkakagusto sayo? Ang ganda mo nga!”

“Totoo ba yung narinig ko? Sinabihan mo akong maganda?”

“Hay nako! Ang bingi mo!”

Huminga ako ng malalim at kinagat yung labi ko. Hindi pa rin ako makapali na silang tatlo ay may gusto sa akin

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon