Chapter 60

1.4K 46 0
                                    

Nasa bahay ako ngayon, nagpipinta dahil wala akong trabaho. Hindi ko alam kung ano yung pinipinta ko basta ito yung nasa isip ko. Pagkatapos ko magpinta ay hindi ko akalain na ito yung kalalabasan. Naipinta ko yung nandon kami ni Xavier sa Tagaytay nung nasa  Ferris Wheel kami habang tumitingin sa mga bituin. Si Xavier ba talaga ang laman ng isipan ko ngayon? Nakapagtataka lang kasi hindi maganda yung una naming pagkikita at naiinis ako sa kakulitan niya pero ngayon, kahit makulit siya minsan ay okay lang sa akin. Ang cute niya pa!

Umupo ako sa higaan ko at tinignan ng mabuti yung painting ko. Naalala ko yung andon kami sa Tagatay. Ang saya saya ko non! Parang nakalimutan ko nga na may boyfriend ako kasi ang nasa isip ko nun ay si Xavier. Siya kasi yung nagpapasaya sa akin kapag umiiyak ako. Siya yung hindi umiiwan sa akin. Parang hindi ako makapalagay kapag hindi ko kasama si Xavier. Gusto ko palagi kaming magkasama dahil sa kanya ko lang naipapakita kung sino talaga ako. Siya lang yung nagpapaganito sa akin. Parang gusto ko na si Xavier. Hindi ko namalayan na unti unting nahuhulog ang loob ko para sa kanya. Siya kaya rin ba? Mahal pa rin ba ako katulad ng dati?

Biglang bumukas yung pintuan ko “Nica!!!” nagulat ako sa biglang pagsigaw ni “Cloe!!!” tumayo ako at nagyakapan kami. Umupo kaming dalawa sa kama ko. Tumingin siya sa kamay ko “Bakit ang dumi ng kamay mo?”

Hindi ko pa pala nahugasan yung kamay ko “Nagpainting kasi ako. Huhugasan ko muna yung kamay ko” tumayo ako at pumunta sa CR. Hinugasan ko ng mabuti yung kamay ko. Pagbalik ko sa kwarto ko ay nakita ko si Cloe na tumitingin sa painting ko. Tumingin siya sa akin at umupo ako sa tabi niya. Tinuro niya yung painting ko kung saan may babae at lalake na nagsasayawan “Alam mo ba kung sino yun nasa painting mo?”

Tumingin ako sa painting ko “Hindi. Kilala mo ba kung sino yan?”

“Oo. Naalala ko pa yan lahat. Kayong dalawa yan ni Xavier” bigla akong napatingin sa kanya. Tumingin si Cloe sa akin “Nangyari yan nung Valentine’s Day. Siya yung first dance mo nung Valentine’s Day dahil kahit kailan, wala kang partner every Valentine’s Day. Ang saya nga ninyo tignan. Bakit mo yan naipinta?”

“Napanaginipan ko yan. Alam kong nangyari na yan kaya napagisipan kong ipinta para kapag may nakakita yan, sasabihin nila sa akin kung kailan yan nangyari”

Bigla siyang ngumiti “Posibleng bumalik yung alala mo! Kailan mo lang ito napaginipan?”

“Matagal na. Bago pa bumalik si Xavier dito. Simula nung nagkakami ni Kevin”

“Ang tagal na pala! Hindi ka ba nagtataka kung bakit palagi mo itong napapaginipan?”

Si Cloe ang unang sasabihan ko tungkol sa mga panaginip ko. Wala pa akong ibang sinabihan tungkol dito “Nagtataka nga ako dahil palagi kong napapaginipan yung lalake na may jersey number 08 na palaging naglalaro ng soccer. Magpapakilala na sana siya sa akin pero naputol yung panaginip ko. Hindi ko rin siya namumukhaan”

Biglang nanlaki yung mga mata ni Cloe at hinawakan niya ang kamay ko “Si Xavier yan! Si Xavier ang palagi mong pinapaginipan! Janica! Ito na yun! Si Xavier pa rin ang laman ng isipan mo! Kayo pa rin ang dalawa para sa isa’t isa!”

Totoo kaya ang pinagsasabi ni Cloe sa akin? Baka si tadhana na talaga ang gumawa nito lahat para magkatuluyan pa rin kaming dalawa ni Xavier. Gusto ko si Xavier pero hindi ko masasabing mahal ko siya kasi hindi pa ako sigurado kung mahal ko na ba talaga siya. Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi ko “Gusto ko siya pero hindi ako sigurado kung mahal ko na ba siya”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon