Chapter 45

813 35 0
                                    

Nagdinner kami sa sa restaurant ni kuya Raymond. Ako ang nagdala sa kanila dito since hindi nila alam kung saan kami magdidinner. Habang kumakain kami ay nasarapan silang lahat sa mga pagkain. Pagkatapos namin kumain ay napagusapan namin yung tungkol sa mga kurso na kukunin namin

“Basta ako, ayaw kong kumuha ng kurso na merong subject na Math. Kakainis kasi yung Math!” sabi ni Nadine

“Gago! Lahat ng kurso may subject na Math” sabi ni Edward

Sumimangot si Nadine

“Ikaw naman Thea?” tanong ni Edward

Ngumiti siya sa amin “Babalik na ako sa New York with Harry”

Nabigla kaming lahat sa sinabi niya “Doon na kasi kami magcocollege. I’ll take up Fashion Designing while Harry while be taking up Biology”

Sana katulad rin kami ni Thea at Harry. Sana kasama ako ni Xavier doon sa Australia pero hindi pwede

“Physical Therapy yung kukunin ko” sabi ni Ian

“Ikaw Kevin?” tanong ni Edward

“Dentistry”

“Di ba mahal yung dentist chair?” tanong ni Edward

“Mayaman kaya yan sila!” sabi ni Nadine

“Ikaw naman, Edward?” tanong ni Xavier

“Magugulat kayong lahat sa kurso ko…Aeronautical Engineering”

“Wow!” nagulat kaming lahat sa kurso na kukunin ni Edward

“Balang araw, may sariling Airlines na ako”

“Ikaw, Janica?” tanong ni Ian

“Architecture”

“Ikaw, Xavier?” tanong ulit ni Ian

Tumingin kaming lahat si Xavier. Nakatingin siya sa amin “Nurse”

“Wow! Saan ka magkokolehiyo?” tanong ni Nadine

Tumingin si Xavier sa akin at tumingin ulit kay Nadine “Sa Australia”

Nanlaki ang mag mata nila nung nalaman nila na sa Australia magkokolehiyo si Xavier

“Paano na si Janica? Iiwan mo ba siya?” tanong ni Edward

“Hihintayin niya ako” sabi ni Xavier

“Baka sa pagbalik mo, hindi mo na kami kilala. Si Janica at Kevin nalang yung kilala mo” sabi ni Nadine

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon