Chapter 12

1K 34 0
                                    

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko “Sabay tayo maghanap sa kanila” huminga ako nang malalim at tumango sa kanya. Nawala sa isipan ko ang pagiging mayabang niya. Talagang nilibot namin ang buong lugar. Hindi niya kailan binitiwan ang aking mga kamay kahit maraming mga tao ang nasa paligid namin. Napagod kami sa paghahanap kaya huminto kaming dalawa. Umupo kami malapit sa fountain. Binitiwan niya ang kamay ko. Biglang nagutom ako sa kakahanap namin sa kanila pero hindi namin sila talaga makita. Paano namin makokontact ang isa’t isa? Hahay! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi sumakay pa ako sa bangka na yon! Kung hindi ako sumakay, hindi sana kami mawawala ngayon

“Gutom ka na ba?” tanong niya

Huminga ako nang malalim “Oo pero wala naman akong pera”

“Gutom na rin ako. Halika, sabay na tayong kumain” hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa restaurant. Nagorder siya ng mga pagkain. Pagkatapos namin kumain ay lumabas agad kami sa restaurant at naglakad lakad sa kalsada

“Bad timing talaga ito oh! Bukas na yung flight namin tapos naligaw pa ako” sabi ko

Kinamot niya ang ulo niya “Hindi mo ba alam kung saan kayo nagcheck-in?”

“Paano ko malalaman na hindi ko naman alam magbasa nang Chinese”

Huminga siya nang malalim “Bakit kasi nagcheck-in pa kayo sa isang Chinese hotel”

“So, ibig mong sabihin kasalanan ng papa ko dahil nagcheck-in kami sa isang Chinese hotel? Alam mo, half-Chinese yung papa ko kaya siya lang yung nakakaintindi nang Chinese”

“Half-Chinese pala yung papa mo?”

“Kasasabi ko lang di ba?”

May nakita akong malawak na upuan sa sulok katabi nang plaza nila. Umupo ako at huminga nang malalim. Umupo sa tabi ko si Xavier. Kiniskisan ko ang mga braso ko dahil sa sobrang ginaw. Malapit na kasi ang December kaya sobrang ginaw na dito. Tumingin si Xavier sa akin “Giniginaw ka ba?”

Nanlalamig na ang mga labi ko. Walang tigil ako sa pagkiskis ng mga braso ko. Kahit nakasuot na ako nang sweater, giniginaw pa rin ako. Hinubad ni Xavier ang jacket niya at binigay ito sa akin

“Huwag na, baka giginawin ka pa”

“Huwag ka na nga magreklamo, baka magkasakit ka pa”

Totoo nga ang sinabi ni Kevin, may puso nga si Xavier. Nakatulong din ang jacket niya kasi unting unti nawawala yung ginaw na nararamdaman ko. Tumingin ako sa langit at may nakita akong shooting star. Tinuro ko “May shooting star!” pinikit ko ang aking mga mata at nagwish. Sana makilala ko na rin ang Prince Charming ko. Pagdilat ko sa aking mga mata ay nakita ko na nakapikit si Xavier. Pagdilat niya ay bigla siyang tumingin sa akin

“Alam mo, mabait ka tignan kung nakapikit. Nawawala yung pagiging mayabang mo”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon