Chapter 20

1K 42 0
                                    

Bago  kami nagdiscuss sa English ay binuksan ni Ms. Garcia ang isang box na naglalaman ng mga letters or gifts na para sa aming secret supporter. Tinawag ni Ms. Garcia yung pangalan ko at kinuha ko yung isang white box sa kanya. Umupo ako at binuksan yung box. Isang pink bracelet ang nasa loob ng box. Hindi ako satisfied sa gift na to! Ayoko yung kulay pink! Hay! Kung sino man ang secret supporter ko, sana malaman mo na hindi ko gusto ang kulay pink. Masyadong girly kasi eh. Sorry nalang sa mga taong gusto ng kulay pink pero iba’t iba talaga yung taste ng tao. Iniligpit ko ang box sa bag ko

“Bakit di mo sinuot yung bracelet?” tanong ni Xavier

“Wala lang”

“Hindi mo ba nagustuhan?”

“Parang ganon na nga. Ayaw ko kasi ng kulay pink”

“Pasalamat ka nga na binigyan ka ng gift kesa wala”

“Nagrereklamo ba ako?”

“Parang ganon na nga”

“Hoy Mayabang! Hindi ako nagrereklamo! Sinasabi ko lang naman ang totoo!” biglang tinawag ni Ms. Garcia yung pangalan ni Xavier. Kinuha niya yung natanggap niya na gift galing…sa akin. Huminga ako nang malalim. Sana magugustuhan niya yun. Pagdating niya sa upuan niya ay binuksan niya ito. Napangiti siya sa nakita niya. Nagustuhan niya ba yung regalo ko na soccer ball key chain? Sana nga. Iniligpit niya yun sa bag niya at tumingin sa akin “Anong tinitignan mo dyan? May crush ka sakin no?”

“Kapal nang mukha! Mayabang ka talaga kahit kailan! Hindi kita crush!”

Kakainis! Gusto ko talagang sabihin sayo kung ano yung pinagsasabi mo nung lasing ka! Ikaw yung may gusto sa akin, hindi ako! Ay wait, totoo kaya yun lahat? Baka nagsisinungaling lang siya. Ayaw ko na maniwala don! Baka hindi yun totoo lahat. Baka sinasabi lang niya yun sa akin para magustuhan ko siya. Never! Hinding hindi talaga ako magkakagusto sa kanya kahit kailan!

Habang pauwi na kami ni Duke galing sa school ay nakita namin si Elizabeth sa tabi ng kalsada. Pinahinto namin si Manong Ben at bumaba ako sa sasakyan. Si Elizabeth ay nakaupo na umiiyak

“Elizabeth, anong nangyari sayo?”

Tumingin siya sa akin at namumula na yung mata niya sa kakaiyak “Inaway ako ng mga classmates ko”

“Saan na ba sila?”

“Umalis na. Kinalakadkad nila ako galing sa school papunta dito. Kinuha nila yung pera ko at sinipa nila yung tuhod ko”

Tinignan ko yung tuhod niya at ito ay may dugo “Halika, sabay ka nalang sa amin” tinawag ko si Manong Ben para kargahin si Elizabeth. Pagdating namin sa bahay ay ginamutan ko kaagad si Elizabeth. Kinuha ni Duke yung first aid kit. Nilagyan ko ng gamot yung mga sugat niya at sumisigaw siya kapag lalagyan ko ng gamot ang sugat niya. Tumabi si Duke sa kanya “Hindi naman yan masakit” ini-encourage siya ni Duke. Paglagay ko ng gamot sa tuhod niya na may dugo ay bigla siyang napahawak sa braso ni Duke na nakapikit. Pagkatapos ko itong lagyan ay pinunasan ko ang paa niya na may mga dumi. Hindi siya humihinto sa pag iiyak. Tinawagan ko si Jefferson at dumating siya kaagad sa bahay

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon