JANICA’S POV
Sumakit yung ulo ko paggising ko sa umaga. Salamat nalang at wala akong trabaho dahil Sunday ngayon. Maagang umalis sina mama at papa para sa trabaho nila. Wala kasing day off sa kanila. Doble kayod palagi. Bumaba ako para kumain ng breakfast. Alam kong hindi na ito breakfast dahil 12 noon na. Nakita ko si Duke na may kausap sa kitchen pero hindi ko alam kung sino. Boses lalake yung kausap niya eh. Lumapit ako kay Duke at nakita niya ako
“Andito na pala si ate” sabi ni Duke
Tumingin ako kung sino yung kausap ni Duke. Si Xavier pala yun! Nanlaki yung mga mata ko “Bakit ka nandito?”
Bigla siyang tumawa “Ang kalat ng buhok mo pero maganda ka pa rin”
Tumingin ako sa salamin na nasa tabi ng CR namin. Totoo nga! Ang kalat ng buhok tapos may muta pa ako! Kinuha ko yung muta ko at inayos yung buhok. Tumingin ako ulit sa kanya “Ano bang ginagawa mo dito?”
“Pinagluto ka niya dahil alam niyang may hangover ka” sabi ni Duke
Kinamot ko yung ulo ko at umupo
“Sige, iwan ko muna kayo. Magaaral pa ako” sabi ni Duke
Pagkatapos magluto ni Xavier ay inihanda na niya yung niluto niyang pagkain. Pinagluto niya ako ng corned beef, hotdog at itlog. May kasama pang gatas! Mga paborito ko itong pagkain ah! Paano niya ito nalaman? Hindi na ako nagtanong kaya kumain nalang ako kasi nagugutom na rin ako. Pagkatapos namin kumain ay uminom ako ng gatas “Paano ba ako napadpad dito? Di ba, andon tayo sa Hangover kagabi?”
Bigla siyang napangiti “Lasing na lasing ka kagabi kaya ako na ang naghatid sayo”
Tumango ako “Salamat”
“Nakakatuwa nga eh kasi nung high school pa tayo, ako yung lasing tapos akalain mo? Ikaw yung nagdala sa akin patungo sa bleachers galing sa puno kung saan tayo nakaupo”
Totoo ba ang sinasabi niya? Nakaya ko siyang buhatin? Ang bigat kaya nga! “Ang layo ng puno na yun sa bleachers ah!”
“Kaya nga! Ang lakas mo pala!”
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Since nandito naman si Xavier sa bahay namin at wala kaming magawa, naalala ko yung Diary ng Panget na DVD na meron ako. Kinuha ko yun galing sa kwarto ko at pinakita kay Xavier. Manonood kami ng Diary ng Panget at nung nagsimula na yung movie ay umupo sa tabi ko si Xavier. Nung nasa masquerade ball na yung scene ay biglang tumingin si Xavier sa akin. Tumingin ako sa kanya
“May naalala ka na ba?” tanong niya
“Teka lang, tapusin ko muna to. Nakakakilig kasi eh” ngumiti ako sa kanya at nanood ulit
Pagkatapos namin manood ay kinikilig pa rin ako. Tumingin ako kay Xavier at nagtanong kung kailan yun pinalabas yung movie na yon
“Pinalabas yun nung third year pa tayo. Sabay nga tayo nanood pero bago non, napanood mo na yun. Doon pa nga tayo sa kwarto mo nanood”
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...