Malapit na ang intrammurals namin kaya nagsilabasan na ang mga talento ng mga tao. Merong mga games at gusto nilang sumali ay kailangan pa nilag magaudition para magrepresentar sa year nila. Habang naglalakad kami ni Nadine ay nakita namin kung paano kadami ang nakapila sa bulletin board. Kailangan kasi nila ilagay yung mga pangalan nila kung saan nila gusto sumali. Sinamahan ko si Nadine na lumapit sa bulletin board. Nilagay yung pangalan niya sa Swimming. Bata pa lang kami, hilig na talaga ni Nadine ang lumangoy
“Hindi ka ba sasali sa mga laro?” tanong niya
“Alam mo namang hindi naman talaga ako sumasali sa mga ganyan” sabi ko sa kanya habang naglalakad kami palayo sa bulletin board
“Hanggang kailan mo bang itatago ang talento mo sa pagsasayaw? Hanggan ngayon ba ay natatakot ka pa rin?”
Kinagat ko ang labi ko “Hindi ko alam. Basta ayaw kong sumali sa mga laro”
“Bahala ka, hindi mo ma-eenjoy yung intrams natin”
“Nasanay na ako dyan kaya wala na yang problema sa akin”
“Janica!” tumingin kaming dalawa ni Nadine sa likuran para tignan kung sino yung tumawag sakin. Nakita namin si Kevin na palapit sa aming dalawa
“Hindi ka ba sasali sa Dance Troupe?” tanong niya
Nanlaki aking mga mata sa biglang pagtanong niya. Nagulat si Nadine sa tanong niya
“Alam ba niya?” tanong ni Nadine sakin
“Oo” sagot ni Kevin “Sali ka!” sabi ni Kevin sakin
Naghahanap ako nang maipagsisinungaling sa kanya “Ay…sumali na kasi ako sa ibang laro eh”
“Huwag ka ngang magsinungaling. Hindi ko nakita yung pangalan mo sa bulletin board”
“Iba kasi yung lalaruin ko”
“Ano ba yung lalaruin mo?” tanong niya
“Volleyball” hay nako! Bakit ba Volleyball ko ang nasabi sa kanya na hindi ko naman alam maglaro nang Volleyball. Ang tanga tanga mo talaga Janica!
“Marunong ka pala lumaro niyan?” tanong ni Nadine sa akin
Kinurot ko ang kamay ni Nadine na palihim “Sige, pasok na kami. Mahuhuli na kami sa klase namin” sabi ko sa kanya habang hinihila ko si Nadine palayo sa kanya. Habang naglalakad kami palayo sa kanya ay may binulong ako kay Nadine “Sumabay ka nalang sa akin”
“Bakit kaya mong magsinungaling sa crush mo?”
“Hay nako! Ewan. Hindi ko na nga kung anong gagawin ko ngayong intrams”
“Sumali ka nalang sa Dance Troupe”
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...