“I am so happy because someone got perfect score in this class. This is the only class who got a perfect score in my subject” sabi ni Ms. Formentera. Kinakabahan ako kung sino ang nakakuha ng perfect score. Naghahangad din ako makakuha ng perfect score pero okay nasa akin kung hindi ako nakakuha basta malaki yung grades. Mataas kasi yung expectation nina mama at papa sa akin. Naging third honor ako noong grade six ako kaya gusto nila maging Valedictorian ako
“Marquez” tinawag ako ni Ms. Formentera
Lahat ng mga classmates ko ay nagtinginan sa akin pati si Xavier. Hindi ko alam bakit nagtiningan sila sa akin. Tumingin ako kay Ms. Formentera “Ikaw ang nakakuha ng perfect score” Nanlaki ang mga mata ko, totoo ba ito? Tumayo ako at kinuha ko ang papel ko galing kay Ms. Formentera. Tinignan ko ang papel ko at ang saya saya ko! Perfect ako sa Math examination namin! May mga ngiti sa labi ko habang tinitignan ko ang papel ko. Matapos kinuha ni Xavier ang papel niya ang may ngiti sa kanyang mukha. Tumingin siya sa akin “Malaki yung score ko!”
Tinignan ko ang papel niya “Congrats!” at ngumiti sa kanya
“Maraming salamat sa tulong mo. Sincere na ito kaya huwag ka nang kokontra”
“Pero…mayabang ka parin”
“Kahit tanga ka, matalino ka pala”
“Salamat” ngumiti ako sa kanya
“Pero…tanga ka parin”
Kumunot ang noo ko. Hahay! Ewan ko sa Xavier na ito! Hindi pa rin nagbabago! Hinding hindi na siguro kami magkakasundo nito.
Mamaya na magsisimula ang English month namin. Nagsuot ako ng mataas na puting dress na may yellow na tela sa taas ng bawyang ko. Pinabraid nila ang buhok ko at nilagyan ako nang konting make-up. Matapos ang pag-aayos ay pumunta na ako sa malaking entablado at tumayo katabi ni Xavier
“Ang ganda mo ngayon” sabi ni Kevin
Tumingin ako sa kanya “Salamat”
Nilagay ni Xavier ang kamay niya sa bawyang ko at nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya. Tumingin ako sa kanya na nakangiti. Sana mapapansin niya ang angking kagandahan ko. Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. Hindi ako huminto sa pagngiti sa kanya
“Estatwa tayo dito kaya huwag kang malikot”
Sumimangot ako at tumingin nalang sa malayo. Kailan pa kaya niya mapapansin ang kagandahan ko? Hindi ko naman siya crush pero gusto kong sabihin niya sa akin na maganda ako. Marami naman ang nagsasabing maganda ako pero maliban sa kanya. Kahit kailan, hindi niya ako sinabihan na maganda ako
“Sige na nga…maganda ka na”
Nagulat ako sa sinabi niya at bigla akong napangiti. Hahay! Ang swerte swerte ko talaga! Ang napakahot na si Xavier Kristian Carter ay sinabihan ako ng maganda. Isang malaking karangalan yan na nanggagaling sa kanya. Ang hirap kaya suyuin ang isang Xavier Kristian Carter.
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...