Chapter 27

931 39 0
                                    

Pinatawag kami ni Kevin sa practice room. Nung nakompleto na kaming lahat sa practice room ay nagmeeting na kami tungkol sa parating na Valentine’s Day. Since si St. Valentine yung patron saint namin, walang klase sa darating na Valentine’s Day pero kailangan pa rin namin pumunta sa school dahil may program and iba’t iba pang kasiyahan. Napakadali naman ng panahon. Parang kailan lang New Year lang tapos ngayon, ilang linggo nalang, Valentine’s Day na. Nagplano kami kung ano yung sasayawin namin. Gusto nila yung love dance since it’s Valentine’s Day naman.  Tinignan namin yung sayaw ng Vampire Diaries kung saan nagsayaw sila sa malaking ballroom na ang music ay Give me Love ni Ed Sheeran. Parang ganon daw yung sasayawin namin. Since eight girls and eight guys kami, wala kaming problema sa pairings. Para maging fair, yung mga guys ang bubunot ng papel sa jar na may nakasulat ng mga pangalan ng mga girls. Kung sino yung mabubunotan nila ay yun yung magiging partner nila. Pagkatapos nilang magbunotan ay ipinakita nila sa amin yung mga nabunotan nila. Pagtingin ko sa papel ni Kevin ay nakasulat yung pangalan ko! Magiging partner kami ni Kevin? Linapitan niya ako at ngumiti “My pleasure, Ms. Marquez”

Ngumiti nalang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pagkatapos ng meeting namin ay napagisipan kong magisa. Paano ko ba gagawin ito? Parang na-aawkwardan kasi ako kapag palagi kaming magkasama ni Kevin. Parang may boundary between sa aming dalawa. Crush ko nga siya, crush niya rin ako pero hindi ko alam kung bakit ito yung nararamdaman ko. Hay nako! Pag ibig talaga! Nakakalito!

“Hoy!”

Nagulat ako at umupo si Xavier sa tabi ko

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya

“Nagpapahangin lang…”

“Saan ka ba galing?”

“Sa practice room”

“Oo nga pala! Kasali ka pala sa dance troupe. Sasayaw kayo ngayong Valentine’s Day?”

“Oo”

“Oh! Bakit nakasimangot ka? Dapat masaya ka”

“Hindi ko nga alam kung bakit eh”

“Ang galing mo ngang sumayaw…”

Tumingin ako kay Xavier. Totoo ba yung sinabihan niya ako na magaling akong sumayaw?! First time ko tong marinig sa kanya! Friends na pala kami so hindi na siya harsh sa akin

“Matanong ko nga sayo, gusto mo ba yung pinsan ko?”

“Hindi no!”

“Sure ka na ba talaga?”

“Oo!”

“Bakit suot mo yang necklace tapos yung bracelet na binigay ko sayo, hindi mo suot?”

Tinignan ko yung necklace. Naguiguilty tuloy ako dahil hindi ko sinuot yung pink bracelet na binigay niya sa akin nung secret supporter ko siya. Kailangan ko bang suotin yun kahit ayaw ko sa kulay pink? 

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon