Nandito kami ngayon sa school namin habang naghihintay na dumating yung school bus. Ang alam ko ay kasali si Thea sa camp at salamat na rin hindi kasali si Stella. Okay na si Thea kesa kay Stella. Nakaupo si Kevin sa malayo. Wala siyang kasama. Naawa nga ako sa kanya dahil siya lang magisa. Lumapit si Maria sa akin, yung kaklase ko na kasali din
“Bakit magisa lang si Kevin?” tanong niya sa akin
“Hindi ko rin alam”
“Kaibigan mo siya di ba? Bakit di mo lapitan?”
“Parang galit nga siya sa akin”
“Paano naman siya magagalit sayo eh gusto ka nga niya di ba?”
Hindi na ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Tumahimik nalang ako. Nung dumating na ang bus ay pumasok na kami sa loob ng bus. Katabi ko si Maria sa bus dahil kami lang yung dalawang babae sa class namin habang katabi sina Xavier at Ian. Hinihintay pa namin si Thea dahil wala pa siya. Si Ms. Reyes, ang adviser sa class namin, si Ms. Asuncion, ang adviser sa class B at si Ms. Ruiz ang adviser sa class C ang magaasikaso sa amin sa camp. May nagtext kay Ms. Asuncion na hindi makakarating si Thea dahil may lagnat siya. Nakita ko si Xavier na nakangiti nung narinig niya yon.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating rin kami sa isang lugar kung saan may dagat at kakahuyan. Itinayo namin ni Maria yung tent namin. Tinulungan kami ni Ian at Xavier habang si Kevin ay magisa siyang nagtayo sa tent niya. Siya lang magisa sa tent niya dahil wala siyang kapares sa class namin. Pagkatapos namin itinayo yung tent namin ay pinalikom kami ng mga teachers namin. Magkakaroon kami ng game. Hinati kami sa dalawang grupo. Kailangan namin kunin yung flag sa kabilang grupo kung saan nila ito nilagay. Magdadala kami ng mga baril pero paint yung nilagay dito. Kapag nabaril na kami ay out na kami sa game. Kagrupo ko sina Kevin at Xavier at iba pang estudyante sa ibang class habang magkagrupo sina Maria at Ian. Nung nagsimula na ang game ay nagtago ako sa kakahuyan. May malaking dahon kaya napagisipan ko na don magtago. Hindi kasi ako hilig sa ganitong laro kaya ayaw kong pumatay at ayaw ko ring mamatay. Nakita ko si Xavier na may binaril sa kabilang team. Nakita kong dumating si Kevin. Nagusap silang dalawa
“May napatay ka na ba?” tanong ni Xavier kay Kevin
“Wala pa. Gusto nga kitang patayin pero kagrupo tayo”
“Ha?” nagulat si Xavier sa sinabi ni Kevin
“Kapag nakikita kita, nasasaktan ako. Ikaw kasi ang mahal ng taong mahal ko kaya umalis ka na dito bago kita mabaril”
“Barilin mo na ako para malabas mo na rin yung sakit na nararamdaman mo”
“Hindi pa rin ito mawawala kapag nabaril na kita kaya umalis ka na”
Naglakad palayo si Xavier kay Kevin. Naiwan si Kevin nakatayo don. Nakita ko siyang pinunasan yung luha niya. Napaiyak ako nung nakita kong umiyak si Kevin. Hindi ko alam na grabe pala siyang nasaktan. Umalis na siya at may humawak sa balikat ko. Tumingin ako at binaril ko yung humawak sa balikat ko. Nagulat ako nung matapos ko siyang binaril
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...