Chapter 50

942 40 2
                                    

Habang andito ako kung saan nagtratrabaho yung first boutique ni Thea ay napapansin ko na isang linggo ko na hindi nakikita si Xavier. Isang linggo na siya hindi nangungulit sa akin simula nung nangyari sa office ko. Tinitignan ko kung paano tinatrabaho ng mga construction workers yung boutique ni Thea. Hindi ako nagtagal sa pagtingin because I instructed yung head ng mga construction workers kung paano gawin yung boutique ni Thea. Bumalik ako sa office ko at ginawa yung ospital na pinagagawa ni Paulo. Pagkatapos ng limang oras sa paggawa ay nagpahinga muna ako. Habang nagpapahinga ako ay tinitignan ko yung picture naming dalawa ni Kevin. Hindi ko pa rin naitatanong si Kevin tungkol sa nakaraan ko. Ayaw ko muna gustong malaman lahat yun. Hindi pa ako handa. Pumasok si Kara sa office ko

“Ms. Marquez, may nagbigay po nito” inabot ni Kara yung papel at kinuha ko yun. Lumabas siya sa office ko at binuksan ko yung papel

PUNTA KA BUKAS SA SA ST.VALENTINE ACADEMY

-XAVIER

Pagkatapos na rin ng isang linggo, andito na naman siya. Nangungulit na naman. Bakit ba papupuntahin niya ako doon? Doon nagtratrabaho bilang isang teacher si Harry pero bakit doon? Kaibigan ba silang dalawa ni Harry? Ay oo nga pala! Doon ako naghigh school. Malamang baka magkaibigan sila ni Harry. Nalilito na ako kung pupunta ba ako o hindi.

Nagdridrive ako patungo sa St. Valentine Academy. Nung nakarating na ako doon ay naninibago pa ako. Pangalawang beses ko palang pumunta dito dahil nung unang beses ako pumunta dito ay noon yung binisita namin ni Kevin si Harry. Nakita ko si Xaveir nakaupo sa guard house. Ang weird naman niya. Doon siya naghihintay sa guard house? Linapitan ko siya

“Ano bang ginagawa natin dito?”

Tumayo siya at ngumiti sa akin “Tutulungan kitang maalala lahat”

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hinila niya yung kamay ko papasok sa St. Valentine Academy. Napadpad kami sa soccer field at umupo kami sa bleachers. Hindi siya ganon kainit dahil sa tabi ng bleachers ay may mga puno. Tumingin siya sa napakalapad na soccer field at pumikit. Ang weird ng lalake na ito! Tumingin ako sa soccer field pero wala talaga akong matatandaan. Ano ba ang nangyari dito?

“Dito ako umamin sa nararamdaman ko para sayo…” nagtinginan kaming dalawa “naalala mo pa ba yun?”

“Hinde”

“Ganito kasi yun. Nakaupo ka dito katabi si kuya tapos andon ako sa gitna ng soccer field at yinaya kita maging Valentina ko sa Valentine’s Day pero binusted mo ako sa harap ng tao. Ang sama mo nga non!”

“Ganon ba?” tumingin ako ulit sa soccer field pero wala talaga akong matatandaan. Hinila niya yung kamay ko at umupo kami sa tabi ng puno

“Naalala mo ba yung nangyari dito?” tanong niya sa akin

Tumingin ako sa malaking puno pero wala talaga pa rin akong matatandaan “Anong nangyari dito?”

“Dito ako nalasing at nasabi ko sayo yung totoong nararamdaman ko para sayo”

Tumayo siya ulit at pumunta kami sa canteen. Nagtataka nga ako kung bakit walang mga estudyante dito sa school na ito. Ay oo nga pala! Saturday ngayon tapos walang pasok. Nakatayo kami sa harapan ng isang pader. Nagiging weird na talaga siya. Bakit kami nakatayo sa isang pader?

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon