Chapter 22

955 37 0
                                    

Pagkatapos ng practice namin ay sumama sa akin si Kevin sa mall. Bukas na kasi yung Christmas Party namin at wala pa akong nabili na gift para sa aking nabunot na Secret Supporter. Mabuti nalang at nandito si Kevin para malaman ko kung ano yung mga gusto ni Xavier. Pumasok kami sa isang shop na panglalake at humanap na magandang gamit. Sabi ni Kevin na mahilig si Xavier sa polo shirt. Hindi naman halata! Palagi siyang nagsusuot ng mga v-neck shirt. Palaging nakasunod si Kevin habang naghahanap ako. Kinuha ko yung blue polo shirt

“Sa tingin mo magugustuhan kaya niya to?” tanong ko sa kanya

“Ayaw niya ng kulay blue”

“Ano ba ang gusto niya?”

“Iba iba kasi yung gusto niya. Minsan, gusto niya yung isang bagay minsan naman hindi. Nakakalito siya minsan”

“Mukhang mahihirapan talaga ako dito”

“Pumili ka nalang na sa tingin mo magugustuhan niya”

“Paano kung hindi?”

“Wala naman siyang choice dahil yan yung gift mo sa kanya”

Huminga ako nang malalim. Ano ba ang ibibigay ko sa kanya? Hindi ko na talaga alam kung ano ang bibilhin ko. Paano naman kung hindi niya magustuhan yung gift ko sa kanya? Alam kong magrereklamo yun! Alam ko na! Alam ko na kung anong ibibigay ko sa kanya! Nakita ko kung saan nakalagay ang mga sweatshirt at pumunta doon. Humanap ako ng magandang sweatshirt na mukhang mababagay sa kanya. Nakita ko yung sweatshirt na may nakalagay na ‘Mayabang’. Ang laki ng gulat ko. Totoo ba to?! Bagay na bagay to sa kanya!

“Ito! Ito ang bagay sa kanya!”

“Sweatshirt ang ibibigay mo sa kanya?”

“Oo”

“Bakit?”

“Naalala ko siya kapag nakakita ako ng sweatshirt. Lalo na ang nakalagay dito”

Tinignan ni Kevin ang nakalagay “Mayabang?”

“Oo! Yan yung tawag ko sa kanya kaya bibilhin ko na ito” pumunta ako sa cashier at binili kaagad ang sweatshirt. Pagkatapos namin bilhin yung sweatshirt ay kumain na kami sa Mcdonald’s

“Hindi naman talaga mayabang yan si Xavier” sabi ni Kevin

“Pero kung maka asta siya sa akin parang mayabang”

“Sa tingin ko may gusto siya sayo”

“Ano? Anong sabi mo?”

“Huwag ka ngang umasta na parang hindi mo narinig”

“Naninigurado lang naman ako. Ano ka ba”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon