Chapter 32

1K 35 0
                                    

Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay nagpasya akong magpahangin sa labas. Nakaupo ako ngayon sa swing at tumitingin sa mga bituin. Naalala ko yung gabi na andito kami ni Xavier. Nung New Year’s Eve at nung hindi ako pumunta sa Ball. Dito kami nagsumpuan na magiging friends na kami. Dito rin siya umamin sa totoong nararamdaman niya sa akin. Bakit siya yung palaging naalala ko kapag nandito ako sa swing? May gusto na ba ako sa kanya? Pilit ko siyang ibura sa isipan ko pero hindi talaga. Totoo na ba tong nararamdaman ko para sa kanya? Gusto ko na ba rin siya?

“Janica…” may boses akong narinig. Tumingin ako at nakita ko si Jefferson nakatayo sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya at umupo siya sa tabi ko “Ano bang ginagawa mo dito?”

“Nagpapahangin lang…” at bigla kaming tumahimik. Tumingin ako ulit sa mga bituin. Si Jefferson nga ang kasama ko ngayon at may gusto siya sa akin pero bakit hindi ko nararamdaman yung kilig? Hindi ko nararamdaman yung palagi kong nararamdaman kapag kasama ko si Xavier. Parang hindi nga talaga nawala yung nararamdaman ko para kay Xavier. Pilit ko man isipin na wala na akong gusto sa kanya pero meron pa pala

“Bakit hindi ka pumayag maging partner ni Xavier?” tanong niya

Tumingin ako kay Jefferson “Ayaw ko kasing may masaktan sa inyo…” huminga ako ng malalim “May gusto si Kevin at Xavier sa akin…pati na rin ikaw. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam”

“Sa pag-ibig, hindi mo talagang maiiwasang hindi masaktan. May masasaktan talaga kahit ayaw mo. Nakita ko pala kayo ni Xavier dito sa park nung hindi ka pumunta sa Ball”

Nakita niya kami? So, nakita niya yung buong pangyayari? Wala akong masasagot sa kanya

“Kitang kita ko sa mga mata mo na masaya ka kapag kasama siya”

“Jefferson…” biglang tumulo yung luha ko. Hindi ko alam bakit napaiyak ako

“Alam kong may lamang sa amin…”

So, ibig sabihin na okay kay Jefferson kung ano ang maging desisyon ko. Inexpect na ba niya ito lahat? “Jefferson…ngayon sasabihin ko na sayo ito lahat…”kinagat ko yung labi ko “Matagal na akong may gusto sayo, simula pa noong mga bata pa tayo. Nung sinabihan mo ako na gusto mo rin ako, ayaw kong sabihin sayo na gusto rin kita kasi ayaw ko na mas mahigit pa tayo don. Masaya ako na kasama ka. Masaya ako kapag andyan ka palagi para sa akin. Masaya ako dahil kaibigan kita. Kapag kasama kita palagi, bilang kaibigan lang yung nararamdaman ko para sayo. Sa tingin ko, dito lang tayo. Mas gusto ko na magkaibigan lang tayo dahil ayaw kong mawala ka sa akin. Ayaw kong mawala ang kaiisang isa kong kaibigan”

Bigla siya naging teary eyed at ngumiti “Tanggap ko lahat. Ineexpect ko na ito ang mangyayari. Hindi ko alam na ganito pala to kasakit. Yung sakit, hindi ko yun inexpect…” tumayo siya at naglakad ng ilang hakbang palayo sa akin

“Jefferson…”

Hindi siya lumingon sa akin “Okay lang ako” masasabi mo sa boses niya umiiyak siya. Hindi ko mapigilan ang luha ko sa kaiiyak habang tinitignan ko siyang naglalakad palayo sa akin. Sana magkaibigan pa rin kami pagkatapos nito. Ayaw kong mawala siya sa akin. Yan yung tinatakutan ko.

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon