Umuwi kami sa hotel at nagbihis ako pantulog. Nakapajams ako at sleeveless. Humiga ako katabi ni Duke. Humihilik na si Duke. Ito talaga ang inaayawan ko sa kanya. Sobrang ingay kung matulog. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukan matulog kahit ang sobrang ingay ni Duke. Gumising nang umaga sina papa, mama at Duke. Paggising ko, wala na sila sa kwarto. May nakalagay sa lampshade na nasa tabi ko “Nasa swimming pool kami” huminga ako nang malalim at kinuha ko ang one piece bikini ko. Nagsuot ako nang short at tinali ko ang buhok ko nang ponytail. Naglagay ako nang sunblock sa mukha at katawan. Pumunta na ako sa swimming pool pagkatapos kong mag-ayos. Nakita ko si papa at Duke na lumalangoy sa pool habang si mama ay nasa sulok, nagbabasa nang libro. Sinamahan ko si mama at tumingin siya sa akin “Kumain ka na” sabi niya. May mga pagkain sa mesa. Sinumulan ko nang kumain at pagkatapos kong kumain ay sinamahan ko sina papa at Duke sa pool. Sumabay si mama pagkatapos nang ilang minuto. Ang saya talaga kapag kasama mo iyong pamilya magbakasyon. Namiss ko tuloy si Nadine. Kamusta na kaya siya doon sa Palawan. Nag-enjoy rin kaya siya kagaya ko? Pagkatapos namin magswimming ay nagbihis na kami kasi may pupuntahan kami.
Nagpunta kami sa Guia Fortress. Habang naglalakad ako sa Guia Fortress, ay may tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Paulo. Nabigla ako noong nakita ko siya. Ano ba ang ginagawa niya dito? Malamang nagbabakasyon. Lumapit siya sa akin na may dalang ngiti sa kanyang mukha
“Nandito ka pala sa Macau?” tanong niya
“Ay hindi, tarpaulin ko lang to”
Ngumiti si Paulo “Eto naman…nagtatanong lang naman ako”
“Nagjojoke lang naman ako”
“Ikaw lang ba mag-isa dito?”
“Hindi, kasama ko yung pamilya ko”
“Kuya Paulo!” tinawag siya ni Duke. Tumayo sa tabi ko si Duke
“Duke!” nagbro fist silang dalawa
Nakita ko si Xavier palapit sa amin at nanlaki ang aking mga mata habang naglalakad siya palapit sa amin. Nagulat siya noong nakita niya ako. Siya pala talaga yung nakita ko sa airport! Si Xavier pala yun! Hindi ko lang guni guni yun!
“Bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako?” tanong ni Xavier sa akin
Nilagay ko ang kamay sa baywang ko “Kahit saan ka magpunta, ang kapal pa rin nang mukha mo? Hindi kita sinusundan no! Ang yabang! Makaalis na nga dito. Hindi ako mahinga sa sobrang yabang nang taong yan” sabi ko bago umalis. Pumunta ako kung saan nagaabang ang mama at papa ko. Pagbalik ni Duke ay kasama niya sina Paulo at Xavier kasama ang mga magulang nila. Ang ganda ng mama niya parang teenager pa. Ang papa naman niya, ang gwapo! British yung papa niya at ang hot!
“Ma, Pa, ito pala si kuya Paulo at Xavier” ipinakilala ni Duke sina Paulo at Xavier kina mama at papa
Nagpakilala ang mga magulang nila Paulo at Xavier sa mga magulang ko. Nagdesisyon sila na sabay nalang kami magtanghalian. Hay nako! Bakit pa ipinakilala ni Duke sina Paulo at Xavier sa mga magulang ko? Tignan mo, magtatanghalian ako kasabay si Xavier! Hindi ko na to kaya! Ang napakayabang na si Xavier ay magtatanghalian kasama ko? My gosh! Kung alam ko lang kung ano ang daan patungo sa hotel, babalik talaga ako doon kaso hindi ko alam kaya wala akong magagawa kundi, magtanghalian kasama ang pinakamayabang na tao sa buong mundo. Pumunta kami sa isang magarang na Chinese Restaurant at nagorder. Habang naghihintay kami sa aming mga orders ay nagusap an gaming mga magulang
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...