CHAPTER 9✔

2.4K 50 4
                                    

Isang linggo ang lumipas..

"Allison, nakakapansin lang ako, parang may iba sainyo ni Harry." Maverick.

"Ano namang iba? Wala namang pinagbago eh."

"Kase di kayo nagsisigawan halos isang linggo na rin." Keifer.

"Tsss kakaiba na yun ganun?"

"Hinde, there's something awkward sainyo eh, parang umiiwas ka sa kanya." Rhein.

"Lagi naman kaming ganyan eh."

"Weh, magkwento ka nga, ano bang ginawa nyo nung time na nagsama kayo?" Kenneth.

"Wala naman.."

"Hu! Akala ko pa naman kung ano na mag aagawan na kami ni Harry nyan." Keifer.

"Baliw!"

"Oo nga atsaka ako ang gusto ni Alli babes, diba?" Bryle.

"Gusto mo ng kutos?" Allison.

"Hehehe."

"Allison!" Tawag sa kanya ni Harry.

Lumingon naman siya.

"Ano?"

"Palinis nga ng kwarto ko." Utos nito.

"Ehs! Sana naman may improvement na yang kwarto mo! Para di ako mapagod."

"Ano ka ba? Ngayong inuutusan kitang maglinis sa kwarto ko nagrereklamo ka."

"Tsssss..." Iniwan nya ang anim at naglinis ito sa kwarto ni Harry.

"Bro matanong nga namin, may gusto ka ba kay Allison?" Rhein.

"Anong klaseng tanong yan?" Balik tanong nito.

" sagutin mo lang." Bryle.

"Wala, okay na? Tigilan nyo na lang ako.!"

"Eh ikaw Bryle?"

"Ako, crush ko si Allison, because she's brave." Bryle.

"Ganun din ako, humahanga sa kanya." Keifer.

"Ako, slight lang, pero mas nangingibabaw ang pagiging kaibigan." Maverick.

"Eh ikaw Kenneth, kanina ka pa kasi tahimik eh." Rhein.

"Paano kung sabihin ko sainyong..... I started to like her." Pag amin nito.

Napatingin sa kanya si Harry, at tumingin din ito kay Harry. At maya maya nag iwasan sila ng tingin.

"Hmm mukhang umiba ang ihip ng hangin ah..mga bro basta tandaan nyo ang samahan at kaligtasan natin sa kamay ng mga nagtatangka sa buhay natin. Di lang puro si Allison ang gumagawa ng laban, dahil laban din natin to, buhay na ni Allison ang nakataya dito, kaya di tayo papayag na mapahamak siya, kase naging parte na rin siya sa grupo."mahabang pahayag ni Rhein.

"Basta walang problema sa'kin yan, basta para kay Allison." Kenneth.

"At para sa kaligtasan natin, basta ako sanay naman ako sa gulo." Harry.

"Sabagay, bata palang tayo, mahilig ka nang makipagbasagan eh." Maverick.

"Inaalala lang natin, si manager Yoon, paano kaya pag may nangyari sa kanya?" Bryle.

"Bantay sarado siya." Keifer.

"Pero kailangan din nating alalahanin ang kaligtasan nya."Rhein.

"Dapat tayo mag ensayo, paano kaya kung agad lumusob ang mga kalaban?" Keifer.

"Oo tama Keifer." Sang ayon nila.

Maya maya...

Nakaupo lang sa sala si Allison, mukhang ang lalim ng iniisip.

"Alli, kanina ka pa tulala dyan ah, may problema ka ba?" Taning ni Kenneth sa kanya.

*SIGH

"Iniisip ko lang kung paano ko makikita si papa."

"Bakit? Matagal mo na ba siyang di nakikita?"

"Oo..nasa sinapupunan palang ako, iniwan nya si mama, siguro tinakbuhan o may iba pang dahilan."

"Bakit? Asan ba ang iyong ama?"

"Andito lang daw siya, di ko nga alam kung anong pangalan nya ayaw naman kasi sabihin mama."

"Kaya pala di pure filipina ang mukha mo..."

"Oo koreano ang papa ko."

"May kahawig ka, pero di ko matukoy kung sino."

"Kamukha ko mama ko. . Atsaka halos lahat naman ng tao dito magkakamukha."

"Hala, hindi ah, unique kaya tong mukha ko." Napangiti si Allison.

"Haha! Assuming ka no?"

Napangiti din si Kenneth at napatitig kay Allison.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin sa'kin?" Allison.

"Ngayon lang kasi kita nakitang nakangiti ng ganyan, kase lagi kang nagsusungit."

"Haha! Paano ang tigas ng mga ulo nyo."

Eto naman sina Keifer at Harry tinitingnan nila sina Kenneth at Allison na nagtatawanan, ,malayo naman sila dito.

"Bro, titig na titig ka sa dalawang yan ah, mamaya di mo mamalayan, sila na pala."

"Eh ano lang? Mukhang masaya naman sila eh, at hayaan mo sila dyan." Harry.

"Weh? Seryoso ka? Ikaw baka maiinlove ka pa kay Allison, pero kung tutuusin, mas bagay kayong dalawa."

"Ahs! Alam mo di ko pinangarap magkagirlfriend ng mas lalake pa kung gumalaw.."

"Di mo masasabi yan, kung ayaw mo e di ako na lang aagaw kay Allison. Tutal mas gwapo naman ako kay Kenneth eh."

"Kung interesado ka, bakit mo sakin inaano si Allison?"

"Haha! Malay ko ba kung gusto mo rin siya."

"Hindi no! Atsaka tigilan mo nga ako sa paninukso mo!"

"Eh? Nagsususngit ka na naman dyan.." Pang aasar pa nya.

"Ewan ko sa'yo, dyan ka na nga!" Iniwan nyang mag isa Keifer, ngingiti ngiti at umiiling iling pa...







Dark_greyy

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon