______
Nagtungo sina Maverick sa isang isla, kung saan sila pumuntang magbabarkada.
Gaya ng dati, mag isa nyang pinagmasdan ang umaalon na tubig sa karagatan habang lumulubog na ang araw.
'Wala talagang pinagkaiba ang lugar na 'to sa panaginip ko... Kaya pala mukhang pamilyar ito.' Sabi nito sa kanyang isipan.
Maya-maya pa ay may narinig siyang humahagikgik sa tabi nya..
Nang tumingin ito, si Jiji yun..umiiyak.
"Jae?" Tawag nito sa pangalan ni Jae, kaya napatingin ito kay Maverick.
"Rick, sabi ko sa'yo magkikita pa tayo.. "Pinunasan nya ang kanyang luha sabay pilit na ngiti ang ibinigay.
"Andito ka rin pala.. Nga pala bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong nito.
"Alam mo, sa totoo lang, lagi akong pumupunta dito eh, mula bata ako.. "
"Bakit naman? "
"Simula kasi nung nalunod dito yung bestfriend ko, lagi akong umaasa na sana buhay pa siya, dahil hanggang ngayon, di pa natatagpuan ang katawan nya, at nararamdaman kong buhay pa siya. "
Naging interesado si Maverick sa kwento ni Jiji, saka umupo sila sa malaking bato.
"Yung magulang ba ng kaibigan mo, hinahanap parin siya? "
"Oo, gaya ko, pakiramdam talaga nila buhay pa siya."
"Ahh...sana nga no? Buhay pa yung kaibigan mo."
"Actually, may kahawig ka, di ko lang matukoy kung sino eh. " sabi ni Jiji
Maya-maya, may lalakeng nagpunta rin dun.
"Teka, kilala ko 'to ah." Sabi ni Jiji.
Tumayo ito saka nilapitan nya ang lalake.
"Kuya Brinn?" Tawag ni Jiji, saka tumingin ang lalake sa kanya.
"Jiji..andito ka rin pala, kamusta na?"
"Ayos lang, saka lagi naman ako dito.."
"Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kung bakit nalunod siya."
"Kuya, wala ka namang kasalanan sa nangyari eh, di mo rin naman ginusto yun."
Eto naman si Maverick tumayo para magpaalam kay Jiji.
Lumapit ito.
"Ahm, Jiji nga pala maiwan ko na muna kayo. "
Naibaling nila ang tingin kay Maverick.
"Ah, sige, nga pala Rick si Kuya Brinn, yung kuya ng kaibigan kong kinukwento ko sa'yo. "
Ngumiti sila sa isa't isa.
"Sige na, alis muna ako. "Tatalikod na si Maverick.
"Bryan? Ikaw ba yan? "Tanong ni Brinn kaya napatigil si Maverick.
"Kuya, si Maverick yan.. "Sabi ni Jiji.
Tumingin si Maverick.
"Tinawag mo akong Bryan? "Tanong ni Maverick.
"Hindi ako magkakamali, ikaw yan.. Hindi mo ba ako naaalala? Ako ang kuya mo.. "
Kaya dahil dun may nagthrow back sa isipan ni Maverick.
"Hala!! Andyan na ako! Hahahah!" hinabol siya ng kanyang kapatid hanggang sa may parteng ibabaw ng tubig.
"Kuya!!! Ayoko na!! Hahahaha!! "Natutuwang sabi nito.
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Teen Fiction"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...