CHAPTER 21✔

1.1K 30 1
                                    

Makalipas ang isang linggo..
Tulala si Thyler sa loob ng kwarto nya....

*KRIIINNNGGGG!!!!

*Daddy is calling...

Sinagot nya naman yun agad.

"Dad! Bakit? "

(Papunta ako dyan, malapit na ako.)

"Bakit dad? Magpapahuli ka na? "Walang ganang tanong nya.

(Ano namang klaseng tanong yan ha? Siguro matutuwa ka pa pag nahuli ako no?)

"Di naman sa ganun dad, ang gusto ko lang naman, pagbayaran ang mga kasalanan mo. "

(Tss.. Mamaya na tayo mag usap!)

*CALL ENDED

"Ahg! Bwisit! " inis na sabi nito.

Maya maya bumaba na siya sa sala, sakto namang andyan na rin ang kanyang ama.

Nagsalubong ang kanyang kilay.

"Oh, son, di ka ba masaya na nakita mo ako ulit? Bakit ganyan naman ang mukha mo ha? "

"Dad, sa tingin mo masaya akong nakikita kang pinaghahanap? "

"Bakit? Kampi ka na rin sa mortal kong kaaway ha?! " galit na sabi nito.

"Di naman sa ganun dad! Kasi ako ang nahihirapan eh! "

"Pwes! Wag mo akong problemahin! "

"Hm! Dad! Wala na ba talaga kayong konsensya? "

"Anong sabi mo ha?! " lumapit ito, ikinuyom nito ang kanyang kamao at itatama na sana sa mukha ni Thyler.

"Sige, subukan mo dad, dahil ako mismo ang magpapakulong sainyo. "

Agad binawi yun ni Aries.

"Sorry son, nadala lang ako sa galit.. "

"Pwes! Wag ako ang pabuntunan mo ng galit! Yang sarili nyo! "

"Aba, ireremind ko lang, wag mo akong pagsalitaan ng ganyan dahil ama mo parin ako. "

"Sana iparamdam mo naman.. "Nag walk out ito.

Eto naman si Aries di maipinta ang mukha.

Kina Harry naman..

"Oh ano na pala ang balita dun sa paghahanap kay Aries? "Keifer.

"Wala pa, si Charlie na lang ang makakaturo.. "Kenneth.

At bumaba si Harry na nakabihis.

"Oh, saan ka na naman pupunta? "Rhein.

"Sa puntod ni mama. "Sagot nito.

"Mamaya mapano ka na naman ah. "Maverick.

"Salamat sa pag aalala nyo, pero kailangan ko talaga. "Umalis na siya.

"Harry! "Pagpigil nila. Ngunit di na to lumingon pa tuloy tuloy lang siya.

"Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo! "Bryle.

At habang nagdadrive si Harry.

'Kailangan kong manmanan si Thyler! Malamang andyan lang ang kanyang ama ayaw nya lang sabihin. ' sabi nito sa kanyang isipan.. Tuloy tuloy lang siya sa biyahe..

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon