Sobra na silang nag aalala kay Allison, dahil hanggang ngayon wala pa silang balita tungkol sa kaniya.
*DINGDONG!
"Bubuksan ko lang baka may balita na sila kay Allison. " dali dali namang tumayo si Keifer at lumabas para buksan ang gate.
Pagbukas nya..
Nanlaki ang mga mata nito.
"Where is your manager? " tanong ng isang lalake na nakangiti, di mo alam kung nang aasar ba.
"Ahmmm, Mr. Aries Park? "
"Yes, I am. "
"Anong ginagawa mo dito? "Tanong ni Mr. Yoon na nasa likuran ni Keifer, kasama ang lima.
"I heard something about you, and I came here para makamusta ka. "
"Siguro naman masaya ka na, dahil nanganganib na ang buhay namin, and don't act like that, akala mo talaga may pakealam ka. "
"Well, nawawala pala ang butler mo? "
"Hm! Kunyari ka pang nagtatanong. "
"Baka makatulong ako. "
"I don't need your help, Aries well kung alam mong nawawala ang butler ko? Bakit di mo tanungin ang mga dating alaga ko, at naging alagad mong bumugbog sa'kin? Alam kong may kinalaman sila dito. "
"Alam mo? "
"Oo, at isa pa, oras na malaman kong may kinalaman ka sa mga nangyayari, humanda ka. "
"Nagbintang agad oh, wala kang makukuhang pruweba sa'kin. "
"Hm! Yan ang akala mo. "
"So, bye ex bestfriend. "
Nagtungo na ito sa loob ng sasakyan at umalis na.
"E ano kaya kung sundan natin yun? "Bryle.
"Bayaan nyo na muna, lalabas din ang katotohanan. "
Saad ni Mr. Yoon saka pumasok sa loob.
Agad agad namang pumanhik si Harry sa kanyang kwarto.
May dinial siya sa kanyang cellphone.
Calling Charlie......
(Hello, pinsan napatawag ka, nabalitaan ko ang nangyari sainyo ah, ano? Ano na balita kay my loves? Di nyo pa nakikita? ) sagot ni Charlie sa kabilang linya.
"Wala pa nga ee, Charlie, gusto ko sana ng tulong mo. "
(Go, ano ba yan?)
"Please, kailangan ko ng spy ngayon. "
(Yan lang naman pala eh, bakit?)
"Magkunyari kang alagad ni Aries Park. "
(Yun naman pala e, ano pa? Atsaka ama yun ng kaibigan ko ah, bakit? )
"Dahil malakas ang kutob kong may kinalaman siya sa pagkawala ni Allison. "
(Sigurado ka?)
"Charlie naman! Mukha ba akong nakikipagbiruan sa oras na 'to?! Mortal na kaaway siya ni Manager! "Sigaw nito.
(Oh, sige para naman matulungan ko kayo, atsaka masyado kang nag aalala dyan kay Allison ah, oy! Nagtatago ka ng feelings ah!)
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Teen Fiction"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...