CHAPTER 6✔

2.7K 66 14
                                    

OTHER PERSON:

"What?! Nahuli si Bruce?!" Galit na saad ng boss nila.

"Oo boss, magaling naman kasing makipaglaban ang babaeng nakahuli sa kanya."

"Babae? Babae lang?!! Natalo pa siya ng babae?!!!" Sigaw nito.

"Boss di naman kasi basta bastang babae lang yun ee.. Nakasagupa na po namin yun."

"Basta! Sa lalong madaling panahon, mailigpit nyo sila!"

_____

Habang nagupunas si Allison ng mga kagamitan sa living room, Ay naramdaman nyang may kamay na humawak sa kanyang balikat, kaya nakaramdam siya ng kaba.

Bigla nyang hinila ang kamay ng kung sino man yun at ibinalibag sa sahig.

"ahhh!!! Aray!" Daing ng isang lalake na napahiga at hawak pa ang balakang.
Yumuko si Allison at hinigit ang kwelyo ng lalake.

"Sino ka ha?! Sinong nag utos sa'yong pumunta dito?! Basta basta ka na lang pumapasok! Sino ka?!" Sigaw nito.

"Anong nangyayari dito Allison?!" Bumaba si Harry.

"Pinsan, sino ba tong babaeng to? Ang brutal." Tanong ng lalake kay Harry, kaya binitawan ni Allison ang kwelyo ng lalake.

"P-pinsan mo?"

"Narinig mo naman diba? Bakit mo naman ginawa yun!?" Tinulungan ito ni Harry na tumayo.

"Binalibag ako nyan eh, girlfriend mo ba yan?"

"Hindi ah!" Harry/ Allison.

"Eh paano di kase marunong kumatok, at bigla na lang pumasok, di ko pa siya kilala paanong di ko gagawin yan? Eh alalahanin mo kaya yung nangyari nung isang araw. Sorry pala.." Sabi nito.

"Pinapairal mo na naman kasi yang pagkabasagulera mo eh!" Harry.

"Nag sorry na nga ako! Ano pa bang gusto mo lumuhod pa ako??"

"Ahh 'di na kailangan yun miss cute." Saad naman ng pinsan ni Harry na nakangiti pa ng maluwag kay Allison.

"Tss.."dahil sa inis ni Allison nag-walk out na lang ito.

"Kakaiba yung babaeng yun ah, ang tapang pero ang cute nya." Tumingin si Harry ng masama sa pinsan.

"oh, why are you staring me like that?"

"Pati ba naman siya papatusin mo? Katulong namin siya dito!"

" eh ano lang katulong ganyan magsalita sa'yo? Gusto mo siya no?"

"Gusto mo ng sapak? Anong ginagawa mo pala dito?"

"Ahmm dito muna ako matutulog."

"Okay, wag kang tumabi sa'kin, malikot kang matulog."

"matutulog ako sa dating tinutulugan ko."

"E di dun ka."

Hanggang sa natapos na lahat matutulog na si Allison, pagbukas nya ng pintuan sa kanyang kwarto ay tumambad sa kanya ang pinsan ni Harry na nakahiga sa kanyang kama, pumasok ito.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?! Lumabas ka nga!"

Napatingin ito sa kanya.

"Dito ako natutulog pag pumupunta ako dito eh."

"Tumayo ka dyan! Inaantok na ako! Labas na ! Makitulog ka sa kwarto ng pinsan mo! Labas!"

"Ayoko, tabi tayo."

"Bwisit! Isa! Pag di ka umalis dyan. Kakaladkarin kita palabas dito!"

"Ayoko.."

"Alis sabi eh!"

Umupo ang pinsan ni Harry.

"Ako nga pala si charlie."

"Wala akong pakealam! Labas na!" Turo ko sa pintuan.

"Ayoko, magtatabi tayo."

"Ah, ,matigas ang ulo mo ah!"

Lumapit ito kay Charlie at hinila ang tainga nito. Napatayo si Charlie.

"Araaaayyyy! Aray ano ba?! Ang sakit ah!" Hinila ito malapit sa pintuan.

Pinilit ni charlie na tanggalin ang kamay ni Allison na nakahila sa kanyang tenga. At nang matanggal ito ay isinandal si Allison sa pader.

" alam mo , Allison, ang cute mo pala pag malapitan.."

*TSUP!

"MANYAK KA!!! ETONG SA'YO!!!!"

*BOGSH!!!!

"Araaaaaaayyyyyyy!!!!!!" Napahawak na lang si Charlie sa kanyang sikmura dahil sinuntok yun ni Allison.

"MANYAK KA AHH!!! PAPATAYIN KITA!!!!!" Agad tumakbo pababa ng hagdan si charlie dahil hinabol siya ni Allison.

Hanggang sa naabutan nyanito sa sala, kumuha ng unan si Allison sa sofa at hinampas hampas si Charlie.

"Magnanakaw ka! Bwisit! Ex ko nga di pa ako nahahalikan tapos nanakawin mo lang!!! "

"Aray! Allison, tama na!"

"Hoy! Hating gabi na ang iingay nyo!" Rhein. Nabulabog ang anim na matutulog na sana.

"Ano na naman bang nangyayri dito Allison?" Harry.

"Etong pinsan mo eh! Magnanakaw!"

"Magnanakaw? Paano mo naman nasasabing magnanakaw? Eh halos lahat naman ng gusto nya nakukuha nya ee." Harry.

"Ninakawan ako ng halik ng manyak na yan!"

"Hu! Yun naman pala eh.........ano????  Inunahan mo pa ako?" Bryle.

"Huh? Ibig sabihin nyan di na ako ang magiging first kiss mo? " Keifer.

"Pag untugin ko kaya kayo. Hinalikan pa naman ako sa pisngi, di naman kita boyfriend para gawin mo yun no!"

"Sa pisngi lang naman pala eh, ikamamatay mo na yun?!" Harry.

"Oo."

"Tssss OA ! Charlie, matulog ka na lang sa kwarto ko."

Nagsipanhikan na sila sa kanilang kwarto at, si Allison lang ang naiwan...

"Ahhgggggg!!!!!" Ginulo gulo nya ang kanyang buhok saka pumanhik na rin sa kanyang kwarto..










_dark_greyy

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon