CHAPTER 48✔

526 13 0
                                    

[HARRY]

Naawa lang ako sa kalagayan ng pamilya ni Allison.. Sa totoo lang sila na ang tinuring kong pamilya, at sila na rin ang nagpabago sa'kin.

"Harry,  tinatawagan ka pala ni Aries,  para makipag usap sa'yo,  ba't di mo siputin? Para naman magkaayos na kayo? " biglang sabi ni Manager sa'kin.

"Kung gusto nyang siputin ko siya,  sasama po kayo.. "

"Kung yan ang gusto mo.. Gagawin ko.. "

"Salamat po.. "

"Mamaya aalis na tayo.. Hihintayin ko lang si Allison. At iba pang kasama mo para mabantayan si Allice. "

"Sige po. "Sang ayon ko.

"Napapansin kita Harry.. "

Napatingin na lang ako bigla sa kanya.

"Bakit manager ?"

"Unti-unti ka nang nagbabago ah.. "

Napangiti na lang ako.

"Sa bawat araw na nakakasama ko kayo manager,  parang sumasaya din ako,  dahil kahit papaano,  may kinikilala akong pamilya. "

"Oo,  para ko na rin kayong mga anak eh.. Saka.. Mas mararamdaman mo pa yan kapag napatawad mo na ang iyong ama. "

Speechless ako dun,  kaso eto na ba ang oras para patawarin siya? Bahala na.

"Oh, Harry,  pa.. Pahinga na muna kayo, kami na muna ni Bryle ang magbabantay kay mama. "Andyan na rin sina Allison..

Eto naman... Kung dati ang init ng dugo ko sa kanya,  pero ngayon.. Gumagaan na ang loob ko sa kanya..

"May pupuntahan lang kami ni Harry.. "Manager.

"Ah.. Sige.. Ingat na lang kayo ah.." Allison.

Saka nagsimula na kaming umalis ni Manager.

Nasa loob na kami ng sasakyan.. Nakatingin lang ako sa kawalan..

Nagdadrive na si manager.

"Lalim ng iniisip mo ah.. Ayos ka lang?" Tanong nya.

Kaya napatingin na lang ako sa kanya.

"Iniisip ko lang kasi.. Baka mamaya kapag kaharap ko siya,  mag-init lang ang ulo ko. "

"Naintindihan naman kita,  pero sana eto na yung oras para patawarin mo siya. "

Nagnod na lang ako saka patuloy lang kami sa pagbabiyahe.

[ALLISON]

Kami lang ni Bryle ang nagbabantay kay mama.

Nakaupo ako sa tabi ni mama.. Habang hawak ang kanang kamay nya.

"Ma,  gising ka na.. Alam mo,  namimiss ka na namin ni papa. Sana ako na lang yung nasa sitwasyon mo.. Para di ka mahirapan,  ang saya nyo na nga ni papa,  kaso naudlot pa. Hayaan nyo ma, hahanap ako ng hustisya..laban lang ma,  kaya mo yan diba? "Di ko namamalayan na naluluha na pala ako.

Naramdaman ko na lang na hinahaplos ni Bryle ang likuran ko.

"Lalaban si Tita Allice.. Malakas yan eh.. "Bryle.

Napatingin na lang ako sa kanya at napangiti.. Saka tumayo ako.

Pinunasan ko na rin ang aking luha.

"Saan naman kaya pupunta sina Manager? "Bryle.

"Siguro.. Ililibang lang siya ni Harry,  kasi halatang nalulungkot eh.. Kaso ang problema,  paano tayo makakahanap ng donor? Kung pwede ako na lang eh. "

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon