Paglipas ng umaga..
Pagkagising ni Allison..
"Oh, anak, may nagpadala ng sulat sa'yo ah, kaso walang pangalan ang nagpadala sabi nya basta sa'yo daw kaya kinuha ko na."inabot ng kanyang ina ang puting sobre. Saka kinuha yun..
"Sige po ma salamat.."
"Tara, mag almusal na tayo."
Parang wala sa mood si Allison ngayon, habang kumakain.
"Oh anak, bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo?"
"Nay, kasi kahapon eh."
"Oh, anong meron kahapon?"
"May nakapagsabi kasing, nakita daw nila si Andrei na may ibang babae."
"Yun ba? Naniniwala ka naman dun."
"Di ko alam ma, ewan."
"Hmm kung ganun, dapat maniwala ka na lang kapag nakita na ng dalawang mata mo."
"Yun nga ma eh, paano nga ba pag totoo?"
"Dapat handa kang tanggapin kung ano ang katotohanan."
"Sana nga ma."
"Kaya mo yan anak, kaya mo.."
Tumango na lang siya saka kumain na.
At maya-maya pumasok na siya sa school.
Habang naglalakad ito sa hall way.. Nakita nyang inaasar ni Alex si Angel, yung nerd.
"Akin na kasi yan Alex! Ano ba?!" pilit nyang inaabot ang librong itinataas ni Alex.
"Sige, ibibigay ko 'to pag inamin mong crush mo ako! "Pang aasar nito.
"Wala nga! As if namang magiging crush kita! "Deny nito.
"Alex! Enough! Ibigay mo yan, o baka naman ikaw ang may gusto kay Angel. "Sabat ni Allison sabay ngiti pa.
"Hindi ah! "
Agad nyang binigay ang libro kay Angel.
"Hahahahahaha. "Tawanan ang iba.
"Ate Alli naman! Wala no. "
Nahihiyang umalis si Angel.
"Tingnan mo ginawa mo? Pinahiya mo yung tao. "Mahinang sabi ni Allison kay Alex...
"May nakapagsabi kasing crush nya ako eh. "
"Oh,, ayaw mo nun? "
"Hehe,, saya kasi nyang pagtripan. "
"Baliw 'to..hay naku.. Pupuntahan ko lang yun.. Ikaw kasi eh. "
Naglakad pa ng naglakad si Allison..
"Hey! How dare you to say that! Kahit kailan akin lang si Alex naintindihan mo?! " sabi ng isang babae kay Angel sabay tulak.
May mga kasama din 'tong dalawang alipores."Hey! What are you doing huh?! Can you please stop bullying her! Or else I'll report you in guidance office! "
Saway ni Allison sabay tinulungan nya pang tumayo si Angel.
"Thank you miss Romano.. "
"Wala yun, lagi ka ba nilang binubully?"
Tumango si Angel.
"Matagal na ba?"
"Opo, yung mga yun kasi may gusto kay Alex. "
"Hmm.. Alam mo.. May oras din ang mga yan.."
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Novela Juvenil"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...