CHAPTER 13✔

1.8K 37 4
                                    

Lumipas ang dalawang linggo at nagising na si Allison.

Di siya nagsasalita pero nakikita nya ang tulog na binata sa sofa.

Maya maya'y gumalaw ang lalake at unti-unting dumilat ang mga mata at napatingin kay Allison.

"Oh, gising ka na pala.. Wait lang at tatawagin ko ang doctor. " tumayo ito at tumungo sa labas.

'Anong nangyari? Paano ako napunta dito? ' tanong niya sa kanyang isipan.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang lalake pati na rin ang doctor.

"You're awake, buti na lang at naagapan ka agad. "Ngiting sabi ng doctor.

"Ano pong nangyari? "Tanong ni Allison.

"Actually, malakas ang tama mo sa ulo, kaya di ka agad nagising and napaka thankful namin dahil buhay ka, and nasa critical condition ka na, buti na lang naisugod ka dito. "

"Wala po akong naaalala sa mga nangyari eh. "Allison.

"What? Seriously? Nabangga ng truck ang minamaneho mong sasakyan. "Sabi ng lalake.

Di nakaimik si Allison.

"Anong pangalan mo? " tanong ulit ng lalake.

"Di ko alam.. "Sagot nito.

"Huh? "

"Kung wala nga siyang naaalala, may possibility na may amnesia siya.. "Sabi ng doctor.

"Ganun ba doc? Sa tingin nyo po ba makakabalik pa ang kanyang ala ala? "

"Di tayo sure sir.. Ahmm excuse me, i have to go. "Tumungo na sa labas ang doctor at lumapit naman ang lalake kay Allison.

"As in wala ka talagang naaalala? Kahit pangalan mo man lang? "

Umiling si Allison.

"Sige, habang wala ka pang naaalala, ako muna ang bahala sa'yo, by the way, I'm Thyler. "

Ngumiti ng tipid si Allison.

"Di ko alam ang pangalan mo, tatawagin na lang kita sa pangalang Monique. "

"Salamat. "

Kina Mr. Yoon naman.

"Bakit hanggang ngayon wala pang balita kay Allison? "Bryle.

"Ewan, ang sabi nila wala pa daw silang alam kung saan nila dinala si Allison eeh. "Mr. Yoon.

"Mag isang buwan na po e, hanggang ngayon wala pa? Parang wala naman kasi silang pakealam dun ah. "Kenneth.

"Yun nga ee, tapos feeling ko parang walang gumagalaw sa kanila. "Keifer.

"Kung may paraan lang sana ako, matagal ko nang nailigtas si Allison. "Nag aalalang sabi ni Kenneth.

"Nga pala, ano ba yung sinasabi mo Harry? Yung paraan na makakatulong sa'tin para makita si Allison? "Rhein.

"Ah, wala, wala naman yatang magagawa yun e, ayan si Kenneth meron yata. "

"Di ko nga alam ee. "Kenneth.

"Diba mahal mo si Allison? Kung mahal mo dapat mag isip ka kung paano. "Harry.

"Paano ko naman magagawa kung nakakulong lang tayo dito? "Kenneth.

"Pwede lang naman mag isip a, pag nakagawa ka na ng paraan pwede ka nang sumugod. "Harry.

"Bakit ako lang? Ikaw kasi palibhasa wala kang pakealam sa pagkawala ni Allison! "Bulyaw ni Kenneth.

"Bakit? Nag iisip naman ako ah! "

"Nag iisip nga pero di naman sigurado! "

"Kaya di ko sinabi diba? "

Nagtatalo na silang dalawa.

"Tama na! Iba na kahahantungan nito eh, kumalma nga kayo, buhay na ni Allison ang nakataya dito, tapos mag aaway away pa kayo? Pwede namang pag usapang to ng maayos ah! " awat ni Mr. Yoon kaya nanahimik sila at sumimangot pa.

"Kung ano mang paraan ang gusto nyong gawin, gawin nyo, basta mag iingat lang kayo."Mr. Hyun.

*FAST FORWARD

Nasa swimming pool's area si Harry, nakatulala sa tubig habang nakapamulsa pa. May mga bagay na iniisip.

"Bro, okay ka lang ba? "Si Keifer, napahawak sa kanyang balikat.

"Oo, ayos lang ako wag mo akong alalahanin. "

"Halos mag away na kayo ni Kenneth ah, dahil kay Allison. "

"Tss.. Wala na sa'kin yun. "

"Talaga? Nakikita ko rin naman kasing nag aalala ka rin e. "

"Oo, kase buhay din yun no, ayokong makakita ng namamatay na tao, lalo na kung malapit sa'yo. "

"Bakit? Malapit ba kayo ni Allison? Di naman diba? Sinusungitan mo lang naman. Bakit di mo kasi aminin ang totoong nararamdaman mo? Kahit gaano katigas ng puso mo, di mo di mo mamamalayang unti-unti na palang lumalambot, dahil sa taong gusto mong mahalin. "Mahabang pahayag ni Keifer.

"Di ko alam. "

"Dapat alamin mo, di yung tinatago mo lang, mamaya maunahan ka at masaktan ka pa. "

"Alam mo, napaka eksperto mo sa pag -ibig no? Bilib ako sa'yo eh. "

"Wag ka dapat mabilib sa'kin, mabilib ka sa sarili mo pag natutunan mo na yan. "

"Ay! Ano ba? Ba't dito napunta ang usapan natin? " winala ang usapan.

"Oh, anong paraan mo para makita siya? "

"Sa ngayon inaalam ko kung may kinalaman si Aries Park sa pagkawala ni Allison. "

"Huh? May private investigator ka? "

"May spy ako, si Charlie, sa ngayon wala pa siyang alam, at tayo muna ang makakaalam nito. "

"Pero paano sina manager? Dapat malaman nila to. "

"Ipapaalam na lang natin kapag may alam na tayo tungkol kay Allison. Kasi di pa tayo sigurado. "

"Okay, tutulungan kita dyan. "

"Salamat. "

End..

Ano po masasabi nyo kay Harry,? Just comment :)

Wow! Gumagawa ng paraan ah! Masyado ka namang nag aalala dyan.. Haaha
Eto si Harry 😍😍

 Haaha Eto si Harry 😍😍

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon