Eto naman si Thyler, malalim ang iniisip... Nasa sala siya ngayon.
"Anak, mukhang malalim ang iniisip mo ah, di ka ba aalis? "Tanong ng kanyang ama.
"Hindi dad, wala naman akong pupuntahan. "
"Ah, eh nung nakaraang araw lagi ka sa condo mo ah. "
"Yes dad, minsan pag pagod sa office, dun muna ako. "
"Ah... "
"Dad, may tanong lang ako, may balita ka pa ba kay mommy? Kase simula nung naghiwalay kayo, wala na akong nababalitaan sa kanya ee. "
"Ewan, siguro may sarili na siyang pamilya. "
"Pero dad, 8 months nang buntis si mommy nung naghiwalay kayo diba? Bakit naman kasi kayo naghiwalay? "
"Hay naku anak, ang tagal na nating nagsasama, ngayon mo lang natanong? Alam mo mahabang kwento. "
"Sana naman makilala ko rin ang kapatid ko, dalawang taon lang kasi ako nun nung huli kong nakita si mommy. "
"Kung gusto nilang bumalik, bumalik sila, kung ayaw nila, wala tayong magagawa. "
"Dad, 22 years na ang nakalipas eh, sana naman maayos lang ang buhay nila. "
"I hope so anak, "
"Hahanapin ko sila. "
"Bakit mo pa hahanapin? Di na nga bumalik , so ibig sabihin, ayaw na nila. "
"Dad naman! Bakit ba pagdating na lang kay mommy, parang wala kayong pakealam? Samantalang dun sa babaeng pinag aagawan nyo ni mr. Yoon, halos papatay ka na eh! Siya ba ang dahilan kung bakit naghiwalay kayo ni mommy?! "
"Oo. "Deretsang sagot nya.
"So, hindi mo pala minahal si mommy? "
"Minahal ko ang mommy mo. "
"Tsk! Kaya nga gusto ko silang makita para magkaayos ulit tayo diba? Pwes! Kung ayaw mo ako na lang ang hahanap kase dad, di ako kumpleto, kailangan ko rin ng ina. "
"Oh sige, maghanap ka! "
"Oo... Maghahanap talaga ako. "
Tumayo at naglakad palabas.
Samantalang eto naman si Harry, mukhang aalis pa.
"Oh, saan ang lakad mo? "Tanong ni Keifer.
"Sa puntod ni mama. "Harry.
"Ah, sige mag iingat ka lang. "Keifer.
"Kaya ko sarili ko. "Sabi nito at lumabas.
"Grabe talaga yang si Harry, mamaya mapahamak pa eh, ang aga aga umaalis na. "Rhein.
"Hayaan nyo, sabi nya kaya nya ang sarili nya eh. "Kenneth.
"Pero paano kung tambangan lang siya dun? At dakpin din? Di natin alam kung anong plano ng mga nagbabalak sa'tin eh. "Maverick.
"Yun na nga, kunyari tahimik lang sila, pero di natin alam na may binabalak na sila. "Bryle.
"Hayaan nyo na si Harry, matapang siya eh. "Kenneth.
"Oh, bakit ganyan ka kay Harry? "Rhein.
"Oo nga naman, may problema ka ba sa kanya? "Keifer.
"Wala naman. "Kenneth.
Eto na si Harry, nasa harap ng puntod ng kanyang ina.
"Ma, ang kinagagalit ko lang naman kasi, kung bakit naghiwalay pa kayo ng tunay kong ama? Wala man lang akong chance na makilala siya. Kaso siguro may mga dahilan ka kaya naghiwalay kayo. Kasalanan ko kasi e, kung di dahil sa'kin, di ka sana nawala. "
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Teen Fiction"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...