[ALLISON]
Dalawang linggo na ang lumipas, andito parin si mama sa ospital, wala paring donor.. Gusto kong ako na lang ang magsakripisyo para lang mabuhay siya.
"Pa, kung wala nang donor ako na lang.. "
"Di matutuwa ang mama mo kapag nalaman nyang ginawa mo yan.. "
"Pa ito na lang yung paraan. " naiiyak na naman ako.
"May dadating din anak, wag kang mag alala.. Maging positibo tayo. "
Oo tiwala lang, dadating din yung araw na magigising si mama..
[UNKNOWN PERSON II]
Kailangan ko talagang malaman ang sitwasyon nila Allison. Sa ngayon alam kong critical ang kondisyon ng kanyang ina.
Kausap ko ngayon ang spy ko."Ano? Kamusta na sila? "
(Mahirap.. Mahal mo talaga siya no? Ang hirap din ng sitwasyon natin, dahil ang kalaban din natin ay yung mga taong malapit sa'tin.)
"Pero dun tayo sa tama, mahal ko si Allison, kahit buhay ko pa kapalit para mailigtas ko lang siya. "
(Sa ngayon mukhang ligtas na talaga sila.. Kailangan ko lang silang manmanan.),
"Sige, mag iingat ka dyan.. Ge na. "
Call ended na..
Eto na siguro ang oras para magpakita kay Allison.
[UNKNOWN PERSON I]
Masayang masaya ako dahil nakikita kong nahihirapan si Allison.. Kaya naman, balik pinas ako, dahil ang totoo nyan ako ang bumaril sa mama nya, pero siya talaga ang target ko..
Kaso humarang ang kanyang ina kaya pasensya siya. Kailangan talaga kaming magharap.
"Masaya ka na sa ginawa mo? " bigla na lang sumulpot si kuya.
"Bakit? Ano naman sa'yo? "
"Sana makonsensya ka, paano kaya kapag si mommy yung nasa sitwasyon na yun? "
"STOP IT KUYA! "
Bigla na lang ako nagtaas ng boses, nabibwisit na ako dito sa kuya ko eh, pasalamat siya.
"AND YOU BETTER STOP YOUR BULLSHITNESS! "sabi nito sabay walk out.
Ewan ko tong si kuya, lahat na lang kinkontra!
Oras na para lumantad sa lahat..
----
Sa ngayon eto parin ang sitwasyon nila Allison..
Ganun parin ang kondisyon ng kanyang ina.
[RHEIN]
Umuwi muna ako ng bahay, saka panandalian lang naman ako dito dahil tinutulungan ko sina manager, pass muna sa career, ang totoo nga nyan nag uusap usap na kaming anim na manahimik na lang, yung pagbabanda, kahit minsanan lang saka matured na kami at malamang handa na kami sa kanya kanyang buhay namin.
"Kuya, di ba talaga active ang band nyo? Ang tagal nyo nang nananahimik ah. "Sabi sa'kin Jazz.
"Siguro, kailangan na naming magdisband, kasi pinag usapan na namin yun.. "
"Kung sabagay kuya, may sarili na kayong desisyon. Kaso tatalikuran mo na lang ba si Mr. Yoon? "
"Bakit ko naman tatalikuran yung taong nagpabago ng buhay ko? Isa pa, malaki ang tinulong sa'kin ni manager kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya, parang pangalawang ama ko na rin siya eh. "
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Fiksi Remaja"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...