[KENNETH]
Eto naman ako.. Sumasayaw sa isang field, mag isa lang..
Hindi naman ito yung pinapanood ng karamihan, pero eto talaga ang exercise ko tuwing umaga..
Ito kasi ang pinakatalent ko, kaya kahit nadisband na kami.. Di ko parin maiwan ang pagiging dancer ko.
Maya-maya nang natapos na ang sinasayaw ko naupo lang ako..
"Kanina pa kita pinapanood ah.. Ang galing mo naman.. Sabi ko na nga ba ikaw yan Ken. "
May babaeng biglang tumabi sa'kin.. Pagkatingin ko naman..
"Nica? Andito ka pala.. "
Ugali ng babaeng 'to ang sumulpot na lang bigla.. Parang mushroom.
"Yes.. Ang galing mong sumayaw ah. "
"Haha, salamat.. Nga pala bakit ka nandito? "
"Nagbabakasyon.. "
"Buti.. Nakita mo ako.. "
"Oo, sabi kasi ng pinsan mo, dito ka lagi kaya hinanap kita. "
"Ahh hahah ako talaga hinanap mo? "
"Oo wala naman kasing ibang makausap eh.. So kamusta na? "
"Eto, ayos lang.. "
"Still single parin ba? "
Nagnod na lang ako..
"Grabe ah.. Bakit? Si Allison? "
"Kaibigan lang talaga tingin nya sa'kin eh.. Pero ayos na yan.. Balewala na sa'kin yun.. "
"Oo ah, kaysa naman pinapahirapan mo lang ang sarili mo.. Kung ayaw, e di ayaw. "
"Hahaha, kaya nga, ikaw ba? "
"Still single parin ah.. Tsaka kung may dumating man.. Sige lang. "
Napakomportable ko sa kanya, siguro siya na nga yung babaeng magpapatibok ulit ng puso ko.
"Kung ganun.. Pwede ka na bukas? "
Nanlaki na lang ang mga mata nito..
"Oo, anytime, bakit? "
"4pm sharp, magkita tayo dito.. "
"Sige ba.. "Natutuwang sabi nya.
Eto na nga yun...
[ALLISON]
Ayan na nga, pumipili ako ng damit para sa susuotin ko mamaya.
Magkikita kasi kami ni Romnick ngayon, kaya kailangan maganda ako.Maya-maya pa ay nakapili na ako..
Simple lang naman blue na dress yun.. [Kung gusto nyong makita tingnan nyo sa taas.👆👆]
Basta yun na yun, konting ayos lang ng buhok at maya-maya pa ay bumaba na ako..
Pagbaba ko naman..
Si Harry ang naaubutan ko sa sala.. Nagbabasa ng magazine.
"Harry, ayos na ba 'tong suot ko?"
Matagal muna bago umimik..
Tiningnan ako..
"Kung komportable ka, ayos na yan. " parang walang ganang makipag usap.
Wala man lang siyang ibang comment? Yun lang? Di ba ako maganda? Baka mamaya di magustuhan ni Romnick ang suot ko.
"Tinatanong ko kung ayos lang ba? "
"Oo nga.. Tsk! "
Maya-maya pa ay may narinig akong sasakyang tumigil sa harapan ng bahay.
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Fiksi Remaja"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...