CHAPTER 23✔

1K 20 5
                                    

Lumipas pa ang mga ilang araw, humilom na rin ang mga sugat ni Mr. Yoon at ngayon, nakalabas na rin siya ng ospital, pero patuloy parin ang pag iimbestiga nila.. Dahil hanggang ngayon, di pa nahahanap ang bumaril sa kanya.

Gabi na, katatapos lang nilang kumain.

"Malakas lang ang kutob kong... May tao si Aries na nagmamanman sa'tin, at sa pagkakataong ito, alam kong ang taong yun ang nagsasabi kung ano ang nangyayari sa'tin, kaya di ako titigil hangga't di nahuhuli ang taong yun. "Seryosong sabi ni Allison.

"At, wala ring kinalaman si Thyler dito.. Kung tutuusin, siya ang tumutulong sa'tin, at malaki ang tiwala ko sa kanya, di gaya ng iba, puro pagmamayabang at panghihinala na lang. "Wika naman ni Kenneth, na mukhang may pinaparinggan.

"Hm! Ewan! Yung iba dyan kasi, kahit di pa sabihin ang kinikimkim, di pa inaamin.. Tsk! "Eto rin si Harry nagpaparinig, sabay nakakalokong ngiti.

"Alam nyo, nakakapansin na ako sa inyo eh! Kung may problema kayo sa isa't isa! Ayusin nyo nga! "Allison.

"Wala naman kaming problema eh, diba Harry? "Tiningnan siya ni Harry. Ngumiti si Kenneth ng nakakaloko.

Gumanti rin si Harry ng ganung ngiti.

"Wala naman talagang dapat problemahin diba? Baka ikaw may problema, basta ako wala.. "Harry.

Nagtaas ng isang kilay si Kenneth.

Ngumisi naman si Harry at saka umalis palabas papunta sa likod.

Etong iba, parang natulala lang.. Walang masabi.

"Wooh! "Bryle.

"Kenneth, ano bang problema mo kay Harry ha? "Allison.

"Wala naman eh, diba sinabi ko na? "

"Hindi, parang iba eh, alam nyo magtulungan na nga lang kayo, dahil di pa ligtas ang buhay natin, kaysa sa nag iiringan kayo, wala ding magandang maidudulot yan. "Allison.

Nagtungo din si Allison sa likod, at nakita nyang nakatalikod si Harry, nakapamulsa at tulala sa tubig ng swimming pool.

Kaya nilapitan nya ito.

"Harry.. "Tawag nito.

"Anong ginagawa mo dito? "Tanong ni Harry na di man lang tumingin kay Allison, nakatingin parin sa tubig.

"Gusto sana kitang makausap. "

"Tungkol na naman kay Kenneth? "

"Oo.. "

"At bakit pa? Kita mo namang inis na inis siya sa'kin diba? "

"Bakit nga ba? "

"Aba! Ewan ko dun! "

"Tsk! Wala naman kasing umaamin sainyo eh. "

"Hm! Bakit? Di pa ba siya umaamin sa'yo? May gusto sa'yo yun, kaya pinagseselosan nya ako. "

"Ha? "

"Di mo ba nahahalata? "

"Nahahalata ko, pero bakit kailangan ka niyang pagselosan? "

"Kasi nga, baka maagaw kita sa kanya.. Iba rin siya eh. "

"So dahil lang sa'kin nag iiringan kayo? "

"Oo.. Masyado kasi syang praning. "

"Tssss.... "

"Sa tingin ko, tama nga siya.. Mayabang at nagmamatapang nga ako, ang sama ko na siguro, dahil di ako agad agad nagtitiwala sa ibang tao.. Masama bang kilalanin muna ang pagkatao bago ko pagkatiwalaan? "

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon