Hanggang sa lumipas pa ang dalawang linggo, lagi nang lumalabas si Harry kaya etong si Allison.. Naiiwan lagi.
"Aalis ako ha? "Paalam ni Harry.
"Alam ko. "Masungit na sabi ni Allison.
"Eh ikaw? Bakit di ka rin lumabas? "
"Mamaya ah.. Susunduin naman ako ni Romnick. "
"Maganda ah.. "
"Talaga.. "
"Tsss.. "
----------------------------
.....
Ilang saglit palang...
Nasa restaurant na sina Allison at Romnick.
"Ano? Ayos ka na ba dito? "
"Ayos na.. "
Maya-maya pa ay may umagaw ng atensyon nila, mula sa kabilang table.
Tiningnan lang yun ni Allison, pero iba na ang ihip ng hangin..
Sina Harry at Xiannelle masayang nag-uusap.
"Xiannelle? "Sambit ni Romnick na nakatingin na rin pala sa kabila.
Parang nawalan ng mood si Romnick.
Kaya tinuon na lang nya ng pansin ang kanyang pagkain.
Nang maya-maya pa ay si Xiannelle naman ang nakatingin sa dalawa.
"Eto na yung pagkakataong ayaw kong makita sa buong buhay ko."
Napatingin si Harry sa direksyon ng dalawa.
"Allison? "Sambit nito.
Maya-maya pa ay tiningnan nya si Xiannelle lumuluha na pala..
"Ayos ka lang? "
"Di ko na kaya 'to! "Tumayo si Xianelle, saka tumakbo palabas.
"Teka! Xian! Wait! "Humabol si Harry.
"Anyare? "Tanong naman ni Allison.
"Kailangan kong sundan yun. "Romnick.
"Pagkakataon mo na Nick.. "
Lumabas na sila..
"Xian, wait!"hinigit ni Harry ang braso ni Xiannelle.
"Xian.. Anong problema? "
"Masakit lang Harry eh! Yung nakikita kong masaya siya sa iba? "
Dahil dun pati rin si Harry napaluha.
Kaya niyakap na nya lang si Xiannelle.
"Enough.. "Napayakap na lang si Harry sa kanya.
"Xian. "Boses ni Romnick mula sa likuran.
Kaya humiwalay sila sa pagyakap.
"Anong ginawa mo kay Xiannelle? "Tanong ni Romnick kay Harry.
"Anong ginawa ko? Wala, kasi nung time na may pinagdadaanan siya dinamayan ko siya. "
"Tama siya Romnick, ano? Masaya ka na? Masaya ka na, na nakikita mong umiiyak na ako dahil sa'yo?! "
"Sa tingin mo masaya ako? Xianelle! Di mo lang alam na sa tuwing araw na iniiwasan mo ako, narirealize ko lahat ng efforts na binigay mo sa'kin! "
Bigla na lang umalis si Harry, habang eto namang si Allison sumunod.
"Harry! Sandali nga!"
Mabilis maglakad si Harry, kaya si Allison tumatakbo.
"Harry! Hintayin mo ako! "
Biglang humarap si Harry sa kanya.
"Ano? Masaya ka nang may nakikita kang ibang nasasaktan?! "
"Sa tingin mo ba masaya ako?"
"Ewan ko! "
"Bakit Harry?? Diba si Xiannelle ang laging kasama mo?! Mahal mo na?"
"Yan ang akala mo!! Kaibigan ko lang siya!"
"Sabagay no? Di mo alam ang salitang pagmamahal. "
"Alam ko yan Allison pero di mo lang ramdam! "
"Di naman talaga. "
"Sabagay no? Manhid ka, kahit nga may nakikita kayong ibang nasasaktan wala kang pake diba? "
"TUMIGIL KA HARRY! DAHIL HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO! "
Napatigil din si Harry.
"Dahil yung nararamdaman mo! Nararamdaman ko na rin! "
"Oo.. Ano? Naramdaman mo ba? Hm! Buti naman! Di ka pala insensitive! "
"Oo! Oo na! Ako na yung manhid! Kasi naman eh! "
Napaluha na rin siya.
Saka umalis na si Allison.
Hanggang sa makauwi na sila. .
******
******
******
******Lumipas pa ang ilang araw..
Sa umaga, gawain ni Allison ang mag-jogging...
Kaya habang nagja-jogging siya may sumabay sa kanya.
"Hi.. "
Di na lang siya pinansin ni Allison, deretso lang siya..
Saka maya-maya, umupo siya, tumabi ang lalake sa kanya.
"Bakit di ka naman namamansin? Don't tell me di mo na ako kilala. "
Tumingin sa kanya si Allison.
"Bakit mo ba ako kinakausap? Tsaka kung gusto mo akong guluhin wag mo nang balakin. "
"Laki na ng pinagbago mo ah.. Matapang ka, sabagay, kung di dahil sa kapatid kong si Tiffany, di ka magiging ganyan. "
"Shut up! "
"Bakit? Ayaw mo bang pag usapan natin siya? "
Tumayo si Allison.
"You know what Rainier! Ayokong pag usapan yun! "
Aalis na si Allison.
"Gusto ka nyang makita.."
"Sabihin mo sa kanya, sa dating tagpuan, bukas ng hapon 4pm."
Sabi nito saka umalis na..
[HARRY]
Asan na ba si Allison?
Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at nandyan na siya.
Hanggang ngayon di pa kami nag- iimikan.
Napaupo na lang si Allison.. Mukhang may problema..
"May problema ba? "Tanong ko..
Matagal muna bago umimik.
"May gustong makipag-kita sa'kin. "
"Huh? Sino naman??"
"Yung dating kaibigan ko.. Na galit sa'kin.. "
"Sasama ako, paano kapag may binabalak sa'yo yun? "
"Di na Harry, baka eto na rin yung oras para magkaayos kami. "
"Kailan ba yan? "
"Bukas ng hapon.. "
"O sige, kapag nagkaproblema, tawagan mo na lang ako. "
"Oo, sige."
"Alli, di ako papayag na may masamang mangyari sa'yo. "
"Salamat sa pag aalala sa'kin Harry."
"Ganyan naman lagi Alli, kaya ayokong napapahamak ka. "
Di na lang nakaimik si Allison..
************
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Novela Juvenil"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...